Balita

Puwestuhan sa D-League

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (Ynares Sports Arena) 1: 00 n. h. -- Marinerong Pilipino-TIP vs. CEU

3:00 n.h. -- Chelu Bar and Grill vs Go for Gold

SINO ang papasok na top seed at No.3 squad?

Masasagot ang kapana-panabik na senaryo sa paglalaban ng apat na semifinali­sts ngayong hapon sa nakatakdan­g double header sa pagtatapos ng eliminatio­n round ng 2018 PBA D League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Kung tutuusin ay halos wala ng bearing kapwa ang dalawang laban dahil tiyak ng nasa top two ang Chelu Bar and Grill at Go for Gold habang ang Marinerong Pilipino at Centro Escolar University ang nasa lower two sa pagpasok ng semifinals.

Babasagin na lamang ng Revelers at ng Scratchers ang pagkakatab­la nila sa ibabaw taglay ang markang 7- 2, panalo- talo habang gayundin ang gagawin ng Engineers at Scorpions na tabla sa barahang 5-4.

Ang magwawagi sa laban ng Revelers at Scratchers sa tampok na laro ganap na 3:00 ng hapon ang makakatapa­t ng matatalo sa laban ng Engineers at Scorpions sa unang salpukan ganap na 1:00 ng hapon. Ang matatalo naman sa huling laro ang makakatung­gali ng magwawagi sa unang laban para sa susunod na round.

Bagamat wala na halos bearing ang dalawang laban, inaasahan pa ring magiging maigting ang magiging bakbakan dahil lahat ay gustong makapagbao­n ng momentum patungo sa best-of-3 semifinals.

“We have to prepare every game.Lagi kong ini-emphasized yan na we have to get ready. We have to train hard para matranslat­e namin every game ,” pahayag ni Chelu coach Stevenson Tiu.

Para naman kay Scratchers coach Charles Tiu, sisikapin nilang mas pag ibayuhin ang kanilang depensa para sa mas malaking tsansang manalo.

“We won’t score as much as we want to, but if we play defense, we’ll have a chance to win every game,” ani Tiu.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines