Balita

Viral na holdaper, kalaboso

- Mary Ann Santiago

Nalambat ng mga tauhan ng Eastern Police District (EPD) ang isa umanong holdaper na miyembro ng Oñate Robbery Group at nag-viral sa Internet kamakailan, sa Barangay San Isidro, Antipolo City, kamakalawa.

Kinilala ni EPD director, Police Senior Supt. Joel Bernabe Balba ang suspek na si Billy Joe Schofield, 39, ng Sitio Kapatiran, Bgy. San Isidro, Antipolo City.

Sa ulat ng San Juan City Police, na pinamumunu­an ni Police Senior Supt. Bowenn Joey Masauding, naaresto ng mga tauhan ng Intelligen­ce Section, District Intelligen­ce Unit (DIU) at Special Operations Unit (SOU) ang suspek sa bahay nito sa bisa ng warrant of arrest sa kasong robbery, bandang 2:20 ng hapon kamakalawa.

Ayon kay Balba, si Schofield ay Top 5 most wanted person (MWP) sa EPD at Top 7 MWP sa San Juan City dahil sa umano’y panghohold­ap noong Agosto 7, 2017, na nakuhanan ng closedcirc­uit television (CCTV) camera at nag-viral sa social media.

Si Schofield ay dati umanong miyembro ng Sako gang, na pinamumunu­an ni Benedict Crisologo at nag-o-operate sa area ng Aurora Boulevard, ngunit nabuwag ang grupo nang mapatay si Crisologo ng isa niyang miyembro noong 2004.

Pagsapit ng 2006, nakulong si Schofield sa kasong robbery holdup sa Manila City Jail at nang ma-dismiss ang kaso ay inilipat siya sa San Juan City Jail dahil sa kasong frustrated homicide.

Taong 2016, nakalaya si Schofield matapos na pagsilbiha­n ang sintensiya­ng walong taong pagkabilan­ggo at noong 2017 ay sumapi siya sa Oñate Robbery/Motorcycle Riding in Tandem Criminal Group, na pinamumunu­an ni Marcelo Oñate, Jr., alyas Badoy, na responsabl­e sa robbery hold-up incidents sa San Juan City.

Si Oñate ay una nang naaresto ng San Juan Police sa E. Rodriguez Avenue, Pasig City noong Enero 17, 2018, kaya naiwan si Schofield na nag-o-operate nito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines