Balita

Pinoy athletes, 6th sa ASEAN Schools Games

-

KUALA LUMPUR, Malaysia – Impresibo ang kampanya ng Team Philippine­s matapos pumuwesto sa ika- anim sa overall medal standings ng 2018 ASEAN Schools Games nitong Huwebes .

Humakot ang Team Philippine­s ng kabuuang 36 medalya, tampok ang siyam na ginto, kabilang ang ‘sweep’ sa basketball event para sa ika- anim na puwesto sa 10-country annual meet.

Sumabak ang atletang Pinoy sa 10 sa 11 events at kinapos ng limang ginto para pantayan ang nakamit na 13 ginto sa nakalipas na edisyon sa Singapore. Higit naming mas marami ang silver (7) at bronze (20) kumjpara sa nakalipa sna taon.

Nanguna ang host country Malaysia na may 13 gold, 34 silver, at 32 bronze medals, kasunod ang Indonesia ( 31- 3630), Thailand ( 19- 21- 31), Singapore ( 13- 16- 22), at Vietnam (13-8-6).

Kumubra ang athletics team ng anim nag into, apat na silver at anim na bronze medals para tanghaling ‘ best performer’ sa delegasyon.

Tinanghal na ‘ most bemedalled’ sa Pinoy contingenm­t si runner Jessel Lumapas, Grade 11 standout ng Nazareth School of National University, sa napagwagih­ang dalawang ginto nang pagbidahan ang 200m at 400m girls events sa Mini-Stadium ng National Sports Complex sa Bukit Jalil.

Nakasungki­t din siya ng bronze sa 4x400m event.

Ikinalugod naman ni Philippine Chef-De-Mission Rizalino Jose Rosales ang nagging kampanya ng Pinoy student- athletes, sa kabila ng kabiguan na mapantayan ang nagng tagumpay sa Singapore meet.

“Actually, I am really happy that all events won at least one medal. We actually achieved our goal for this year,” sambit ni Rosales.

Iginiit naman ni Philippine Sports Commission (PSC) Commission­er Charles Raymond A. Maxey na hindi nabigo ang sambayanan sa ipinakitan­g tapang at pagpupunya­gi ng mga batang atleta.

“I am very proud of them. They represente­d their country well. But, there will always be winners as well as losers in any sport,” sambit ni Maxey.

Gaganapin ang susunof na edisyon sa Semarang, Indonesia.

 ?? PSC PHOTO ?? NANGIBABAW ang Team Philippine­s, sa pangunguna ni 6-foot-6 center Kevin Quiambao para pabagsakin ang host Malaysia sa boys basketball finals at tuldukan ang kampanya ng atletang Pinoy sa ikaanim na puwesto sa overall medal standings sa pagtatapos...
PSC PHOTO NANGIBABAW ang Team Philippine­s, sa pangunguna ni 6-foot-6 center Kevin Quiambao para pabagsakin ang host Malaysia sa boys basketball finals at tuldukan ang kampanya ng atletang Pinoy sa ikaanim na puwesto sa overall medal standings sa pagtatapos...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines