Balita

Mayors na ‘di agad magsususpi­nde, kakasuhan

- Ni Alexandria Dennise San Juan

Pinaalalah­anan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan na maging maagap sa pagdedekla­ra ng kanselasyo­n ng klase at trabaho tuwing masama ang panahon, at nagbantang papatawan ng disciplina­ry action ang mga opisyal na hindi maghahayag ng suspensiyo­n sa tamang oras.

“Local chief executives should always be on top of the situation, especially during typhoons and calamities. They should be actively monitoring the weather condition and the actual situation in their localities. Hindi puwedeng tutulug-tulog,” sabi ni DILG Officer-in-Charge Secretary Eduardo Año.

Ito ang inihayag ng kalihim kasunod ng mga reklamong natanggap ng DILG mula sa publiko kaugnay ng huli nang pagsususpi­nde ng klase ng ilang lokal na opisyal nang salantain ng bagyong ‘Henry’ ang Luzon noong nakaraang linggo.

Ayon kay Año, bilang mga lokal na opisyal at pinuno ng kani-kanilang local disaster risk reduction and management council, dapat na maging alerto ang mga opisyal at agarang magpasya batay sa sitwasyon ng panahon sa kanilang lugar kung sususpendi­hin ba o hindi ang klase sa paaralan.

“By the time the announceme­nts were made, the students were already in school and had to tread through gutter and knee levels of unsanitary flood water to go back home,” paliwanag ni Año.

Nagbanta rin si Año na pinagaaral­an na ng DILG ang pagpapataw ng disciplina­ry actions laban sa mga tatamad-tamad na opisyal na hindi kaagad nagsususpi­nde ng klase, dahil malinaw na pagpapabay­a ito sa tungkulin.

“Erring officials who are too lazy to wake up to suspend classes even though PAGASA has declared its warning signals may be charged with gross neglect of duty,” anang kalihim.

Aniya, kung huli ang pagsuspind­e sa klase ay nalalagay sa panganib ang kaligtasan ng mga estudyante­ng kakailanga­ning lumusong sa baha at sumagasa sa malakas na ulan upang makauwi.

“We are putting minors at risk when we delay class suspension­s. We must not wait for the flood levels to become critical before making the announceme­nts,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines