Balita

Housekeepe­r huli sa ‘shabu’, baril at bala

- Mary Ann Santiago

Kalaboso ang isang housekeepe­r, na kasama sa 2018 drug watchlist ng Pasig City, nang mahulihan ng baril, mga bala at granada, gayundin ng 74 na pakete ng umano’y shabu sa kanyang bahay sa Barangay Pinagbuhat­an, Pasig City, kamakalawa.

Sa report ni Eastern Police District (EPD) director, Police Senior Supt. Joel Bernabe Balba kay National Capital Regional Police Office ( NCRPO) Director Police Chief Supt. Guillermo Eleazar, ang suspek na si Ana Lisa Paya, 53, freelance housekeepe­r ng mga condominiu­m units sa Pasig at Bonifacio Global City sa Taguig, ay inaresto sa kanyang bahay sa Block 5, Lot 11, Quirino Street, Centenial II, Nagpayong, Bgy. Pinagbuhat­an, pasado 6:00 ng hapon.

Sa inisyal na ulat ng Pasig City Police, matapos makatangga­p ng tip na sangkot sa ilegal na aktibidad ang suspek ay sinalakay at hinalughog ng mga tauhan ng District Intelligen­ce Unit (DIU) at District Special Operations Unit (DSOU) at mga barangay officials ng Bgy. Pinagbuhat­an ang bahay ng suspek, sa bisa ng search warrant na inisyu ni Hon. Judge Danilo Cruz, executive judge ng Pasig Regional Trial Court Branch 152.

Nakumpiska sa bahay ng suspek ang isang semi automatic .45 pistol, na kargado ng pitong bala; 2 piraso ng live 40MM Grenade (M203) ammunition­s; at 74 na pakete ng hinihinala­ng shabu.

Idiniretso si Paya sa presinto at sinampahan ng mga kasong paglabag sa RA 10591 (Illegal Possession of Firearms), RA 9516 (Illegal Possession of Explosives at Section 11) ng RA 9165 (Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines