Balita

Jean, kinikilig kay Stephen Baldwin

- Nitz Miralles

MARAMI ang nag-congratula­te kay Jean Garcia dahil siya ang napiling makapareha ng Hollywood actor na si Stephen Baldwin sa pelikulang Kaibigan.

Ipinost ni Jean sa social media ang magandang balitang ito.

“Ayiee, I’m sooo kilig dahil nabigyan po ako ng Panginoon ng pagkakatao­n hindi lang makilala pero makatrabah­o ko po ang kilalang Hollywood actor na si Stephen Baldwin sa pelikulang Kaibigan, na pagbibidah­an ng Perkins Twins na sina Christian at Jesse.

“So eto na nga po, may meet and greet po kaming mga actors kay Stephen Baldwin kanina. Nung una, nung nakita ko po sya, I was really starstruck as anyone else (where I could not breathe for 30 seconds, sa totoo lang). But then nung umupo na kami’t nagkuwentu­han, he was very friendly and humble and wise and calm (apart from being handsome hihihiiii).

“It was really nice talking to him. Kaya naman excited and looking forward na po ako sa shooting namin next week. And I’ll be playing nga pala his wife in the movie, ayieee hihihiii. Pagpasensi­yahan nyo na po ako, happy lang si Inday! Love, love everyone! Peace.”

Si Stephen ang father ni Hailey Baldwin, na kaka-engaged lang kay Justin Bieber kamakailan. Kapatid din si Stephen ng isa pang Hollywood actor na si Alec Baldwin.

Samantala, bukod sa movie with Stephen, ginagawa rin ni Jean ang Afternoon Prime ng GMA-7 na Ikalimang Utos, na airing na sa September, sa direksiyon ni Laurice Guillen.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines