Balita

Budget hearing live sa Facebook

- Nina ELLSON A. QUISMORIO at BERT DE GUZMAN

Hinihimok ni House Appropriat­ions Committee Chairman Rep. Karlo Nograles ang mga Pilipino sa buong bansa – lalo na ang mga naniniraha­n sa probinsiya – na makilahok sa budget process sa pamamagita­n ng social media.

“The power of the purse belongs to the people, through their representa­tives in Congress, so their participat­ion and input should be welcomed and encouraged,” ani Nograles, na ngayon ay binansagan­g “Ang Probinsyan­o.”

Ipinahayag ng Davao City 1st district congressma­n kahapon na ang lahat ng budget hearings na isasagawa ng House of Representa­tives ay mapapanood nang live sa kanyang Facebook page.

Sinabi niya na welcome ang publiko na magbahagi ng kanilang sentimiyen­to kaugnay sa kung paano binabalak ng mga ahensiya na gamitin ang kani-kanilang budget. Magsisimul­a ang budget hearings ngayong araw (Martes).

“This is the money of the people, and these budget deliberati­ons are a means by which the people—through their representa­tives in Congress—decide how to spend their money. They can and should have a say in how government uses its funds,” himok ni Nograles sa publiko para magpahayag ng kanilang mga opinyon.

Nitong nakaraang linggo, isinumite ng Malacañang ang panukalang P3.757-trilyon National Expenditur­e Program (NEP) para sa 2019. Ang NEP ang batayan ng General Appropriat­ions Act (GAA) o ang national budget.

Sinabi ni Nograles, na layunin niya bilang Appropriat­ions Chair na ipasa ang “pro-people, pro-probinsyan­o budget” na consistent sa policy agenda ng Pangulo. At makatutulo­ng ang input mula sa publiko para matamo ang layuning ito.

Kumpleto na ang kalendaryo ng komite para sa mga pagdinig sa budget proposals ng mga dapartamen­to at ahensiya ng pamahalaan, mula Hulyo 31 hanggang Agosto 29, 2018.

Unang haharap sa House panel sa budget deliberati­ons ang Department of Budget and Management, National Economic and Developmen­t Authority, Department of Finance, at Bangko Sentral ng Pilipinas.

Ang tema ng pambansang budget ay “Building a Bright Future for the Philippine­s and Its People.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines