Balita

‘Tulak’, 14 na bumabatak, pinagdadak­ma

- Orly L. Barcala

Siksikan ngayon ang mga preso sa Valenzuela City detention cell makaraang maaresto ang 15 drug suspect, na kinabibila­ngan ng apat na babae at isang umano’y tulak, nang salakayin ng mga pulis ang drug den sa lungsod, kahapon ng madaling araw.

Sa report kay Senior Supt. David Nicolas Poklay, hepe ng Valenzuela City Police, kinilala ang naaresto na umano’y drug pusher na si Aladin Delos Santos, alyas “Aladin”, 25, ng Dulong Tangke.

Arestado rin ang sinasabing drug users na sina Erwin San Miguel, 33; Bonnie Gukuong, 35; Marjorie Evangelist­a, 39; Juanita Dela Cruz, 34; Aaron Aloanta, 35; Carla Mercado, 41; Alfredo Dela Cruz, 51; Reyson Valle, 27; Francisco Rubia III, 27; Lilibeth Lerit, 48; Sheldon Gacosta, 37; Mar Labitad, 33; John Mark Surnio, 24; at Joseph Manansan.

Sa ulat ni Chief Insp. Jowilouie Bilaro, hepe ng Station Drugs and Enforcemen­t Unit (SDEU), bandang 1:34 ng umaga nang ikinasa ng kanyang mga tauhan ang anti-drug operation sa Barangay Malinta.

Si Delos Santos umano ang target ng mga pulis, na nagpositib­o sa kanilang intelligen­ce gathering bilang tulak umano ng droga sa nasabing lugar.

Nang iabot na umano ng suspek ang plastic sachet sa poseur buyer ay inaresto na si Delos Santos, at pagpasok ng mga pulis sa bahay nito ay naabutan ang 14 na umano’y bumabatak, kaya dinalang lahat sa presinto.

Nabatid na ginagawa umanong drug den ni Delos Santos ang kanyang bahay, at doon na umano pinapabata­k ang mga bumili sa kanya ng shabu.

Narekober umano ng mga pulis ang pitong maliliit na plastic sachet na may lamang shabu.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines