Balita

Ayaw magbiyahe sa US

- Bert de Guzman

BAGAMAT

kaibigan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Chinese President Xi Jinping, itinuturin­g din ng ating Pangulo na “kaibigan” si US President Donald Trump. Ayon kay Mano Digong, nais niyang paunlakan ang imbitasyon ni Trump na magtungo sa US at nang sila’y magkausap at magkape.

Gayunman, hanggang ngayon ay hindi siya makasagot sa Presidente ng US dahil aminado siyang ang mahabang biyahe ( mahigit sa 13 oras) ay hindi na kaya ng kanyang 73anyos na katawan. Kung ang biyahe raw ay isang regional flight na puwede siyang dumating at umalis agad, maaari niyang paunlakan ang Trump invitation sa Washington DC. Hindi na raw siya bata pa.

May mga report na inaayos ng Department of Foreign Affairs ( DFA) at ng US officials ang pulong nina PRRD at Trump sa Washington DC. Ayon kay presidenti­al spokesman Harry Roque, inaayos ni Ambassador Jose Manuel Romualdez ang state visit ng Pangulo sa US, at kinukumbin­si ang Presidente na tanggapin ang anyaya ng US president.

Nananatili­ng “good” ang public satisfacti­on rating ni Vice President Leni Robredo sa second quarter ng 2018, ayon sa survey ng Social Weather Stations ( SWS). Sa ginawang survey ng SWS noong Hunyo 27- 30, lumabas na 54% ang nasisiyaha­n sa kanyang performanc­e samantalan­g 22% ang dissatisfi­ed, na nagresulta sa satisfacti­on score na + 32% o “good”.

Inilarawan ni PRRD si SC Associate Justice Samuel Martirez na hinirang niya bilang bagong Ombudsman kapalit ni ex- Ombudsman Conchita Carpio- Morales, bilang isang matalino, “istrikto at fair man”. Nilinaw ng Pangulo na matapos niyang italaga si Martirez, wala na siyang kapangyari­han upang ito ay atasan o pasunurin. Ang tanggapan ni Martirez ay isang constituti­onal body na hindi panghihima­sukan ng Ehekutibo. Ang sabi lang daw niya kay Martirez: “Do what is right.”

Sabi ng kaibigan ko: “Kung hindi niya kagalit ang puno nito, tiyak hindi panghihima­sukan. Tingnan ang nangyari kay Ma. Lourdes Sereno, puno siya ng hiwalay at malaya ring constituti­onal body ( Supreme Court), pero malaki ang naging impluwensi­ya niya upang maquo warranto ito at mapatalsik sa puwesto. Kasi galit siya kay Sereno. Ganito rin ang nangyari kay Senator Leila de Lima, miyembro ito ng Senado, hiwalay na sangay ng gobyerno, pero nagawang ipabilangg­o.”

Para kay dating Supreme Court Chief Justice Reynato Puno, chairman ng Consultati­ve Committee ( ConCom) na gumawa ng draft sa pagbabago ng Constituti­on, lubhang mahalaga ang anti- dynasty provision sa pederalism­o.

Iuurong daw niya ang suporta sa pederalism­o kapag inalis ng Kongreso ang ganitong probisyon. Hindi raw siya sigurado kung pagtitibay­in ng Kongreso ang isinumite nilang draft charter, pero iginiit na dapat ay hindi alisin ang antidynast­y roon.

Anyway, mismong ang mga senador ang nagsasabi na hindi nila prioridad ang Charter Change o pagbabago sa Saligang- Batas dahil maraming problema ang bansa at ang mga Pilipino, at ito ang dapat unahin at pagtuunan ng pansin ng gobyerno.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines