Balita

Maine pulis din sa ‘Jack Em Popoy’

- Ni NORA V. CALDERON

IPINALABAS na kagabi ang pilot episode ng action- drama- fantasy series ni Alden Richards na Victor Magtanggol sa GMA 7. Siyempre pa, nagkaroon ng Twitter party at may mga live viewing ang iba’t ibang fan clubs niya at ng AlDub Nation (ADN) nila ni Maine Mendoza.

Pero ang isang ikinatuwa ng fans nila ni Maine ay ang congratula­tory greetings na ibinigay ng phenomenal star sa kanyang ka- love team, nang makausap ang aktres pagkatapos ng story conference ng movie na sisimulan na niyang i-shoot para sa Metro Manila Film Festival (MMFF), ang Jack Em Popoy: The Puliscredi­bles.

Natanong kasi si Maine kung posible bang magguest siya sa serye ni Alden, since tiyak namang bukod sa regular cast nito ay magkakaroo­n ng mga special guest ang Victor Magtanggol.

“Puwede naman po kasi si Alden naman po iyon,” sagot ni Maine. “Okay lang naman po sa akin,

kung hihilingin niya. Kung gugustuhin po niya.” Pagkatapos, hiningan si Maine ng message para kay Alden. “Congratula­tions, Alden! Ang alam ko po kasi dream role niya ‘ yung maging superhero. Congratula­tions dito, at mas pagbutihan mo pa kasi alam ko magiging successful ang show,” sabi ni Maine. Sa ngayon, bukod sa mapapanood pa rin siya sa Eat Bulaga, sasabak na rin daw si Maine sa physical training, dahil gaya nina Vic Sotto at Coco Martin ay pulis din ang role niya sa nasabing MMFF entry. Emily o Em ang name niya sa movie. Dati nang nag- training si Maine, kasama si Alden, para sa gagawin sana nilang pelikula sa APT Entertainm­ent, Inc., pero hindi ito natuloy. Kaya malamang na refresher na lang ng nagawa niyang training dati ang gagawin ni Maine ngayon.

 ?? Maine ??
Maine

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines