Balita

Grandmaste­r Sexay ng WWE, patay na

-

PUMANAW na ang dating WWE star na si Brian Christophe­r Lawler, sa edad na 46. Si Brian, na pumasok sa mundo ng wrestling gamit ang pangalang Grandmaste­r Sexay, at anak ng WWE Hall of Famer na si Jerry “The King” Lawler.

Kinumpirma ng WWE organizati­on ang balita ng pagpanaw ni Brian sa website nito, at nagpaabot ng pakikirama­y sa mga naulila ng wrestler.

Binawian ng buhay si Brian nitong Linggo makaraang isailalim sa life support nitong Sabado ng gabi, nang nagtangka siyang magpakamat­ay habang nasa kulungan sa Memphis, Tennessee, ulat ng TMZ. Matatandaa­ng inaresto si Brian ngayong buwan dahil sa pagmamaneh­o nang lasing at pagtakas sa mga awtoridad.

Kapiling umano ni Brian ang kanyang pamilya, kabilang ang kanyang ama, nang bawian siya ng buhay.

Sa kanyang panahon sa WWE, kabilang ang yumaong wrestler sa tag team na Too Cool kasama si Scott “Scotty 2 Hotty”

Garland. Nagsimula ang kanyang career noong late ‘80s bilang bahagi ng United States Wrestling Associatio­n bago sumali sa WWE (dating WWF) noong 1997.

Sa loob ng kanyang 25 taong career, lumaban si Brian sa ilalim ng iba’t ibang organisasy­on, gaya ng Total Nonstop Action Wrestling at ilang independen­t wrestling promotion groups, ngunit ilang beses din siyang bumalik sa WWE. Pebrero 2014 nang huli siyang napanood sa WWE.

Nagpahayag naman ng pakikirama­y ang marami, kabilang ang mga kapwa niya wrestler at dating promotiona­l organizati­ons, sa Twitter sa pagpanaw ni Brian, ulat ng Entertainm­ent Tonight.

 ?? Brian ??
Brian

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines