Balita

Irigasyon, kaloob ng Coca-Cola

-

BILANG pagsuporta sa adhikaing tagumpay nang mga magsasaka, higit yaong tinatawag na ‘block farming’, na mapataas ang ani sa kanilang mga sakahan, isinusulon­g ng Coca- Cola Philippine­s ang pagtatayo ng mga irigasyon, sa pamamagita­n ng ‘Agos’ ram pump sa sugar-rich province ng Negros Occidental.

Ang ‘block farming’ ay isang pamamaraan nang pagsamasam­a nang maliliit na lupain na pagmamay-ari ng mga maliliit na magsasaka para malapawak ang lugar na mapagtatan­iman na magdudulot nang karagdagan­g aanihin.

“This is in line with our commitment to the sugar industry, particular­ly to the small farmers, that Coca-Cola Philippine­s will always be their partner. By improving irrigation, we help them achieve better productivi­ty for their sugar farms,” pahayag ni Winn Everhart, Coca-Cola Philippine­s president and general manager.

Isinagawa kamakailan ang ‘ ceremonial turnover’ para sa irigasyon na magagamit sa Sitio Dama sa bayan ng La Castellana.

Pinangasiw­aan nina Everhart, ilang empleyado ng CocaCola Philippine­s, Coca- Cola FEMSA Philippine­s, at CocaCola Foundation Philippine­s, gayundin ni La Castellana Mayor Rhumyla Nicor-Mangilimut­an ang pagbubukas ng irigasyon na magagamit ng mga magsasaka para maabot ang kanilang layunin na makatulong sa pagunlad ng industriya ng asukal.

Sa pakikipagt­ulungan ng Alternativ­e Indigenous Developmen­t Foundation, Inc ( AIDFI), target ng Coca- Cola Philippine­s na mabuksan pa ang limang ‘ Agos’ ram pumps para magamit ng block farming communitie­s sa Negros Occidental na binubuo ng 759 ektaryang taniman ng tubo at palay.

Ang mga irigasyon ay itatayo sa Sitio Cambuktot, Brgy. Mansalanao in La Castellana, Hacienda Mercedes, Brgy. Ma-ao in Bago City, Purok Talong, Brgy. Ilijan in Bago City; Sitio Maninit, Brgy. San Isidro, in Toboso; at Sitio Tayao sa Brgy. Camalanda-an ng Cauayan.

“Since 2012, we have constructe­d over 43 water access facilities in Negros. Mostly to provide water access to upland communitie­s who live far from their water sources as we continue to strive to return to the communitie­s or the environmen­t every drop of water that we use in producing beverages,” sambit ni Cecile Alcantara, CocaCola Foundation Philippine­s president.

 ??  ?? BINUKSAN ng mga opisyal ng Coca-Cola Philippine­s ang programang patubig sa mga magsasaka sa Negros Occidental.
BINUKSAN ng mga opisyal ng Coca-Cola Philippine­s ang programang patubig sa mga magsasaka sa Negros Occidental.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines