Balita

Final 4 sa D-League

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (Ynares Sports Arena) 4:00 n.h. -- CEU vs Che’Lu Bar and Grill 6:00 n.g -- Marinerong Pilipino-TIP vs Go for Gold

MAPANGATAW­AN ang kanilang pagtatapos bilang top two seeds pagkaraan ng eliminatio­ns ang tatangkain kapwa ng Chelu Bar and Grill at Go for Gold sa pagsalang ngayong hapon sa kani- kanilang bestof-three semifinals series ng 2018 PBA D League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Makakasagu­pa ng top seed Revellers sa unang laban ang 4th seed Centro Escolar University ganap na 4:00 ng hapon habang makakatapa­t naman ng second seed Scratchers ang third seed Marinerong Pilipino-TIP ganap na 6:00 ng gabi.

Para kay Revellers coach Stevenson Tiu, magandang tune-up para sa koponan ang huling laban sa Go for Gold kung saan nahamon sila ng husto sa pagaagawan nila sa pangunang puwesto.

“Kailangan namin ng ganitong laro kasi we were push to the limit. Magandang preparatio­n ito for the semis, kasi nakita namin yung aming weakness,” pahayag ni Tiu matapos ang 74-68 na panalo kontra Scratchers nitong Huwebes.

Muling sasandigan ng Revellers ang tambalan nina ex-pro Levi Hernandez at Jeff Viernes para pamunuan ang kanilang kampanya na makausad sa finals.

Para sa Engineers, umaasa si coach Koy Banal na magpapatul­oy ang pagi-step-up sa kanilang laro partikular sa depensa para lumakas ang kanilang tsansa.

Tatangkain din ng Marinero na sakyan ang momentum ng kanilang 8172, panalo kontra CEU na nagluklok sa kanila sa ikatlong puwesto.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines