Balita

Arjo, present din sa ‘Jack Em Popoy’

- Ni REGGEE BONOAN

“SOBRANG excited po ako, Tita, na makatrabah­o uli si Coco ( Martin)! And of course excited ako to work with people from the other network, lalo na sina Bossing Vic ( Sotto) and Maine ( Mendoza).” Ito ang sinabi sa amin ni Arjo Atayde nang hingan namin siya ng komento sa pagkakasam­a niya sa Jack Em Popoy: Da Puliscredi­bles, na kalahok sa 2018 Metro Manila Film Festival ( MMFF), handog ng M-Zet, APT, at CCM Production­s, sa direksiyon ni Michael Tuviera.

Nakita namin ang cast pictorial ng pelikula sa storycon nitong Sabado, at kasama rin sa cast sina Ronaldo Valdez, Cherie Pie Picache, Baeby Baste, Jose Manalo, Wally Bayola, Mark Lapid, PJ Endrinal, Ryza Cenon, at Tirso Cruz III.

Ayaw magbigay ng detalye ni Arjo kung ano ang karakter niya sa pelikula, basta sinabing abangan lang ito sa takilya. Ganito rin ang sinabi niya nang tanungin siya kung ano ang papel niya sa Buy Bust movie nii Anne Curtis, na palabas na butkas, Agosto 1, nationwide.

"Abangan na lang po, Tita. Sa August 9 na po ang start ng shooting namin," sabi ni Arjo.

Hindi nawawala ang ngiti sa labi ni Arjo dahil hanggang ngayon ay overwhelme­d pa rin siya sa magagandan­g reviews na nababasa niya tungkol sa karakter na ginampanan niya sa Buy Bust bilang si Biggie. Chen. Pinuri ang acting ni Arjo ng mga nakapanood sa Asian New York Film Festival, at sa ginanap na celebrity screening nitong Hulyo 23.

Sabi ng mga nakapanood, kung hindi man nalampasan ay napantayan naman ni Arjo ang karakter niyang si Joaquin Tuazon sa Flpf s Ang Probinsiya­no bilang Biggie Chen sa Buy Bust.

Ang tanong, mas matindi kaya ang ipapakita ni Arjo sa lack Em Poy: Da Puliscredi­bles?

 ??  ??
 ??  ?? Arjo
Arjo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines