Balita

Dara, Nam Joo-hyuk bida sa PH fancon

- Ni JONATHAN HICAP

SINALUBONG ang Korean stars na sina Dara at Nam Joo-hyuk ng libu-libong fans nang pangunahan nila ang fan conference nitong Hulyo 29 sa Mall of Asia Arena. Umalingawn­gaw ang mga hiyawan sa arena nang magsama-sama ang dalawang Penshoppe ambassador­s, kasama ang Pinoy celebritie­s at Club Penshoppe PH members na sina Ronnie Alonte, Loisa Andalio, Maris Racal, Khalil Ramos, DJ Tom Taus, Keiko Necesario at IV of Spades, sa event, na tinampukan din ng mga musical number at runway show.

Nagkaroon din ng pagkakatao­ng makasalamu­ha ng mga napiling fans ang dalawang Korean stars, sa mga laro, gaya ng basketball at reenacting ng scene kasama si Joo-hyuk mula sa kanyang drama na Weightlift­ing Fairy Kim Bok-joo.

Inilunsad na si Dara na endorser ng brand noong Agosto 2015 habang si Joo-hyuk ay nito lamang nakaraang taon.

“It has been my favorite brand since high school days. I like the clothes and the people. Very easy to work with. It’s been three years,” sabi ni Dara sa press conference bago magsimula an g conference.

Inamin naman ni Joo-hyuk na siya ay “very happy as I knew I was going to work with Dara. It’s an honor for me to represent an internatio­nal brand” nang malamang magiging ambassador din siya ng brand.

Sina Dara at Joo-hyuk ay parehas na nasa pamamahala ng YG Entertainm­ent at lumabas na din sa pelikula at drama ng webtoon Cheese in the Trap.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines