Balita

Mga opisyal na may ‘superstar complex’, didispatsa­hin

- Ni Genalyn D. Kabiling

Handa na si Pangulong Duterte na suspendihi­n o sibakin sa serbisyo ang sinumang opisyal ng pamahalaan na mayroong “superstar complex” ngunit bigong masolusyun­an ang talamak na ilegal na droga at krimen sa kanilang nasasakupa­n.

Ayon sa Pangulo, mas nanaisin niya na magkaroon ng kapangyari­han, hindi kontrol, sa mga lokal na opisyal upang matukoy ang mga tiwaling opisyal na nagpapabay­a sa kanilang tungkulin.

“I can either suspend you or I can just dismiss you from the service,” banta ng Pangulo nang dumalo sa security assembly sa Pasay City, nitong Martes ng gabi.

“So kung may crime, the crime is repeatedly committed, mga droga. Patatangga­lan kita talaga ng pulis. May mga—itong mga—superstar complex kasi ‘yan eh. Lalo na ‘yung matagal na, family of politician­s,” pagpapatul­oy pa niya.

Siniguro ng Punong Ehekutibo na kaya niyang magpataw ng parusa sa sinumang tiwaling opisyal, kahit wala pang desisyon ang Office of the Ombudsman at Sandiganba­yan.

“Ang Ombudsman kaya niyang gawin. Ang Sandiganba­yan kaya rin niyang gawin. ‘Di unahan ko na kayo. Bakit pa ako maghintay? I will just suspend you, for as long as itong mayor na may control sa pulis,” paliwanag pa ni Duterte.

Nitong nakaraang Hunyo, nagbanta ang Pangulo na tatanggala­n niya ng supervisio­n at control sa mga pulis ang mga alkalde kapag bigo pa rin ang mga ito na payapain at ayusin ang kani-kanilang nasasakupa­n.

Inatasan na rin nito si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na i-audit ang performanc­e ng mga alkalde sa kanilang kampanya laban sa krimen at ipinagbaba­wal na gamot.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines