Balita

Smuggled Hummers ibibigay sa pulisya, militar

- Argyll Cyrus B. Geducos

Taliwas sa kanyang polisiya hinggil sa mga smuggled na sasakyan, plano ni Pangulong Duterte na ibigay ang mahigit 10 smuggled hummers na nakumpiska ng pamahalaan sa pulisya at militar.

Ito ang ipinahayag ni Duterte nang personal niyang masaksihan ang pagsira sa tinatayang P300 milyong halaga ng mga puslit na sasakyan sa Sta. Ana, Cagayan.

“Was it 14 or… I’m sure I heard more than 10. I could not exactly remember what was the figure. But I said do not destroy it because I’ll give it to the military and the police for their use,” pagbabahag­i niya.

“Para naka-Hummer na kayo. Kami ilang taon na namin ‘yan naglalaway­laway kami hindi kami maka,” dagdag pa niya.

Nabanggit din ng Pangulo na plano niyang ibigay ang mga smuggled van sa lokal na pamahalaan ng Cagayan.

“Tapos ‘yung mga vans because they are within the vicinity of the local government­s, Cagayan ‘yan eh. Eh ‘di paghati-hatian na lang nila doon kung aabot,” aniya.

Matagal nang polisiya ni Duterte ang pagsira sa mga smuggled na sasakyan at hindi i-auction upang madismaya umano ang mga smugglers.

Una nang sinabi ng Malacañang na kahit pa may mga suhestiyon na maaaring magamit ang mga sasakyan sa magandang paraan, nagdesisyo­n na ang Pangulo na sirain ito.

Nitong Lunes, pinangunah­an ni Duterte ang public destructio­n ng 68 luxury vehicles at walong high-end motorcycle sa Port Irene ng Sta. Ana, Cagayan

“You know, before a place can really be developed or a viable place to do business, you have to establish first law and order,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines