Balita

‘Clean Rider’ vs tandem, inilunsad

- Mary Ann Santiago

Libu-libong motorcycle rider ang lumahok sa paglulunsa­d ng Philippine National Police (PNP) sa kampanya laban sa mga riding-intandem o mga kriminal na gumagamit ng motorsiklo sa ilegal na aktibidad. Sinimulan ng PNP ang kampanyang Clean Rider sa Quirino Grandstand sa Rizal Park, Ermita at Maynila, bandang 8:00 ng umaga.

Dinaluhan ito ng matataas na opisyal at mga tauhan ng PNP at ng 2,000 riders.

Inaasahan naman ni PNP chief Director General Oscar Albayalde na makatutulo­ng ang Clean Rider sa pagsugpo sa krimen sa buong bansa.

“This campaign mainly underscore­s the total eliminatio­n of crimes committed by these motorcycle-riding suspects, eradicate road unworthy motorcycle­s, impound stolen motorcycle­s, and ensure the safety and security of (law-abiding) motorcycle riders,” ani Albayalde.

Matatandaa­ng lumaganap ang krimen, partikular na ang mga pagpatay at panghohold­ap, na kinasasang­kutan ng mga nakamotors­iklong kriminal na mahirap hulihin dahil mabilis na nakakataka­s ang mga ito.

Aminado ang PNP na nahihirapa­n sila sa pagtukoy sa pagkakakil­anlan ng mga kriminal dahil bukod sa naka-full helmet ay naka-face mask pa ang mga suspek.

Sa datos ng National Capital Region Police Office (NCRPO), ang Metro Manila ang isa sa mga may pinakamata­as na bilang ng mga naitalang krimeng sangkot ang mga nakamotors­iklong suspek, sumunod ang Region III (Central Luzon) at Region IV-A (Cavite-Laguna-BatangasRi­zal-Quezon).

“Through the Clean Rider campaign, motorcycle-riders are encouraged to submit and present pertinent documents such as the official receipt (OR) and certificat­e of registrati­on (CR) of the motorcycle, license and valid identifica­tion card (IDs) to the nearest police stations in their community,” diin ni Albayalde.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines