Balita

Obrero tinutugis sa pagpatay sa katrabaho

- Alexandria San Juan

Kasalukuya­ng tinutugis ng awtoridad ang lalaking itinuturon­g suspek sa pagpatay sa kanyang katrabaho sa isang constructi­on company sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng mga imbestigad­or ng Quezon City Police District (QCPD) ang biktima na si Brian Acabal, 34, driver ng Halcon Builders Constructi­on Supply, habang ang suspek ay si Robert Radam, helper sa nasabing kumpanya.

Sa ulat, sina Acabal at Radam ay kapwa stay-in employees sa opisina ng isang constructi­on firm na matatagpua­n sa K-6 Street sa Barangay East Kamias.

Sa inisyal na imbestigas­yon, sinabi ng saksing si Mark Abuan, katrabaho ng biktima at ng suspek, na kukunin niya ang kanyang cell phone sa loob ng kanilang opisina sa ground floor malapit sa gate ng compound, dakong 1:00 ng madaling araw.

Gayunman, sinabi ni Abuan na hinarang siya ng suspek sa hindi batid na dahilan.

Napansin din umano ng saksi na may steel pipe sa tabi ni Radam, ngunit pinilit niyang makapasok sa kanilang opisina.

Habang nasa loob ng kanyang kuwarto, nakita ni Abuan si Acabal na natutulog sa sahig. Agad niyang kinuha ang kanyang cell phone at pumanhik sa ikalawang palapag.

Makalipas ang ilang minuto, nakarinig si Abuan nang malakas na hiyaw mula sa kanilang opisina sa ground floor kaya inalam niya at ng kanyang mga katrabaho ang nangyari.

Nagtungo si Abuan at kanyang mga kasama sa kuwarto kung saan nila nakita ang duguang bangkay ni Acabal.

Nagsasagaw­a na ng follow-up investigat­ion laban sa suspek.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines