Balita

Atungal pa ng Red Lions

-

HINDI lang Pirata ang dapat bantayan. Nag-aabang ng maninila ang San Beda Red Lions.

Napanatili ng Lions ang malinis na marka sa tatlong laro nang ngatain ang Emilio Aguinaldo College Generals, 61- 44, nitong Martes sa 94th NCAA men’s basketball tournament sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Tangan ang single digit na bentahe sa first half, tuluyang lumayo ang San Beda bunsod nang matinding depensa na naglimita sa EAC sa walong puntos sa kabuuan ng third period.

Nanatiling nasa No.2 ang Red Lions, sa likod ng nangunguna­ng Lyceum of the Philippine­s Pirates (5-0).

“Our defense made the difference,” sambit ni San Beda coach Boyet Fernandez.

Nanguna si Robert Bolick na may 15 puntos at anim na assists.

Nakopo naman ng Mapua ang ikalawang panalo sa apat na laro nang pabagsakin ang Arellano, 91-83.

Nanguna si Laurenz Victoria sa Cardinals sa naiskor na siyam na puntos, career-high siyam na assist at apat na rebounds para hilahin ang Mapua sa sosyong ikalimang puwesto kasama ang St. Benilde at Arellanao na may 2-2 karta.

Nag-ambag si Eric Jabel ng 18 puntos.

Iskor: San Beda ( 61) – Bolick 15, Tankoua 9, Canlas 8, Doliguez 7, Mocon 5, Tongco 4, Eugene 4, Nelle 3, Carino 3, Oftana 2, Cuntapay 1

EAC (46) – Bugarin 10, Laminou 9, Mendoza 6, Bautista 4, Garcia 4, Robin 3, Cruz 2, Gonzales 2, Diego 2, Tampoc 2, Neri 2, Natividad 0, Cadua 0, Fuentes 0

Quartersco­res: 13- 14, 32- 25, 49-33, 61-46

Mapua (91) – Bunag 16, Jabel 15, Pelayo 13, Lugo 12, Bonifacio 12, Victoria 9, Biteng 6, Gamboa 6, Aguirre 2, Pajarillo 0

Arellano (83) – Dela Cruz 25, Alban 12, Dela Torre 10, Alcoriza 9, Segura 8, Concepcion 6, Ongolo Ongolo 4, Serajosef 3, Canete 2, Santos 2, Villoria 2, Codinera 0, Sacramento 0, Abdurassad 0, Bayla 0

Quartersco­res: 31-2; 52-40; 69-57; 91-83

 ?? RIO DELUVIO ?? NAGPAMBUNO ang mga players ng Arellano at Mapua sa isang tagpo ng kanilang laro sa NCAA 94th season men’s basketball championsh­ip. Nanalo ang Cardinals, 91-83
RIO DELUVIO NAGPAMBUNO ang mga players ng Arellano at Mapua sa isang tagpo ng kanilang laro sa NCAA 94th season men’s basketball championsh­ip. Nanalo ang Cardinals, 91-83

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines