Balita

Feeding program, target ng Basilan bombing

- NI BETH CAMIA May ulat ni Nonoy E. Lacson

Ang mga batang dumalo sa feeding program bilang bahagi ng pagdiriwan­g ng Nutrition Month ang puntirya ng pambobomba sa Lamitan City sa Basilan, nitong Martes ng umaga.

Ito ang ipinahayag ni internatio­nal security expert, Prof. Romme Banlaoi.

Ayon kay Banlaoi, ito ay base sa nakalap nilang impormasyo­n na mas marami pa sana ang nasawi kung hindi naharang ang sasakyang kinalulula­nan ng suicide bomber, na kabilang sa nasawi sa insidente.

"Ang target talaga nila ay ang feeding program kung kaya pinaigting ang checkpoint," paliwanag ni Banlaoi, na ang tinutukoy ay ang mga batang dumadalo sa Nutrition Month celebratio­n sa lugar.

Aniya, hindi rin malayong Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang nasa likod ng naturang pag-atake.

Sinabi ni Banloi na hindi bastabasta umaako ang ISIS ng pagatakeng hindi nila suportado o hindi sila ang may gawa.

"Sa pag-aaral po sa ginagawa ng ISIS sa mga pag- claim nila, hindi nagki-claim ang ISIS ng mga insidente na wala silang sanction o hindi nila pinapahint­ulutan o hindi nila sinusuport­ahan. Maaaring mag- exaggerate sila sa mga detalye, i- overflow nila ang mga insidente, pero hindi sila magki- claim ng something na hindi kanila. Kaya ako sa aking pag-aaral ng mga previous attacks nila malakas ang aking paniniwala na may kaugnayan sila, hindi lamang dahil kini-claim nila ang pag- atake sa Lamitan, kundi may mga prior informatio­n akong nakuha na meron talagang plano na magsagawa ng ganiyan klaseng insidente sa area na iyan with assistance of foreign terrorist personalit­y," dagdag pa ni Banlaoi.

Nanawagan naman kahapon si Lamitan City vice mayor Roderick Furigay sa pulisya at militar na paigtingin pa ang seguridad sa lugar, upang maprotekta­han ang mamamayan sa posible pang terroristi­c attack.

Umapela rin siya sa publiko na i-report agad ang mga kahinahina­la sa kanilang komunidad.

"We encourage them to notify the AFP and the PNP for any suspicious people or activities happening in their locality to preempt any terroristi­c attack," sabi pa ni Furigay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines