Balita

Coco, ‘di natinag ni Alden

- Reggee Bonoan

HINDI pa rin natinag ang FPJ’s Ang Probinsiya­no ni Coco Martin sa bagong katapat nitong programang Victor Magtanggol ni Alden Richards.

Marami kaming narinig na komento na posibleng itong bagong show ni Alden ang puwedeng tumapat kay Coco, dahil ilang taon na ring namamayagp­ag ang Ang Probinsiya­no sa nasabing timeslot, at ilang programa na rin ng GMA-7 ang pinataob nito.

Actually, dedma ang mga nakausap naming taga- Probinsiya­no dahil katwiran nila, mas magandang may bagong show para mas may challenge lalo’t ang dami-dami pa palang mga bagong mangyayari sa kuwento ng programa.

May behind the scenes na ipinakitan­g si Coco mismo ang nagdidirek sa eksenang naghahabul­an sila sa ilog sa probinsiya kung saan nagtatago sila ni Yassi Pressman. At naroon din si Lito Lapid, hindi bilang miyembro ng Vendetta, kundi bilang fight scene director.

Puring-puri rin si Coco ng mga kasamahan niya na ‘tila raw hindi nakakaramd­am ng pagod. Kahit ang beteranong aktor at direktor na si Mr. Eddie

Garcia ay bilib kay Coco, dahil ang dami nitong nakatagong ideya, maraming kuwento.

Sabi ng iba, nakakapago­d nang panoorin ang Ang Probinsiya­no dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin napapatay si Cardo Dalisay. Eh bakit nananatili itong number one at malakas sa advertiser­s?

Sabi nga ni Tito Eddie: “Negosyo ito, bakit mo papatayin ang isang programa na malakas kumita?”

Anyway, pahulaan sa mga nakapanood ng Monday episode ng Ang Probinsiya­no kung maaabutan ni Marco ( JC Santos) sina Alyanna ( Yassi) at Cardo ( Coco). Cliff hanger ang episode nang niyakap ng huli ang asawa dahil pinapuputu­kan sila ng kalaban. Samantala, tuluyan na kayang magagapi ng mga militar at ni Alakdan ( Jhong Hilario) ang grupo ng Vendetta, na pinangungu­nahan nina

Angel Aquino at Lito. ‘Yan ang pakaabanga­n sa FPJ’s

Ang Probinsyan­o simula Lunes hanggang Biyernes.

Anyway, napanatili ng programa ang ratings nito sa national na 42.4%, kumpara sa pilot episode ng Victor Magtanggol na 20%, at sa rural naman ay nakapagtal­a ng 47.8% versus 17.2%, ayon sa Kantar Media survey.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines