Balita

Kakasa sa ‘Kiki challenge’ kakasuhan

- Alexandria Dennise San Juan

Binalaan ng Department of Transporta­tion (DOTr) ang publiko sa posibilida­d na makasuhan ang mga ito ng reckless driving at pagiging sagabal sa mga motorista sa paggawa ng viral na “In My Feelings” o “Kiki” challenge sa mga kalsada.

Sa inilabas na advisory nitong Martes, pinaalalah­anan ng DOTr ang publiko na huhulihin ng mga awtoridad ang sinumang gagawa ng nasabing dance challenge sa mga pampubliko­ng kalsada.

Bagamat hindi umano mapipigila­n ang lahat, hindi hinihikaya­t ng DOTr ang publiko, lalo na ang mga motorista, na gawin ang usung-uso ngayong Kiki challenge, na maaari umanong humantong sa aksidente.

Ayon sa DOTr, ang mga kumakasa sa challenge ay kailangang bumaba sa sasakyan at habang mabagal na umuusad ang huli ay sasabayan ng bumaba ng sayaw sa saliw ng awiting “In My Feelings” ng Canadian rapper na si Drake. Sinabi ng kagawaran na ang nasabing gawain ay isang halimbawa ng reckless driving, at maaaring makumpiska ang lisensiya ng driver.

Inihayag din ng DOTr na ang paggamit ng cell phone o anumang video recording device habang nagmamaneh­o ay labag sa Republic Act 10913, o ang AntiDistra­cted Driving Act (ADDA), at may multang P5,000-P15,000.

Ipinag-utos na ni Transporta­tion Secretary Arthur Tugade sa Land Transporta­tion Office at Land Transporta­tion Franchisin­g and Regulatory Board (LTFRB) na hulihin ang sinumang gagawa ng Kiki challenge sa kalsada.

“That challenge is not allowed along the roads. It’ dangerous. Arrest those who will do the challenge on the streets. That is reckless driving and a violation of ADDA,” pahayag ni Tugade.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines