Balita

‘Carnapper’dedo, 2 pa nakatakas

- Alexandria San Juan

Isang hinihinala­ng holdaper ang napatay sa engkuwentr­o nang manlaban sa mga umarestong pulis matapos umano nitong nakawin ang isang motorsiklo sa Quezon City, kahapon.

Inilarawan ng mga imbestigad­or ng Quezon City Police District Criminal Investigat­ion and Detection Unit ang hindi pa nakikilala­ng suspek na nasa edad 30, nakasuot ng itim na T-shirt at dirty white cargo short pants, at may tattoo sa kanang braso.

Ayon sa mga tauhan ng QCPD Novaliches Police Station (PS-4), bago ang engkuwentr­o ay nakatangga­p sila ng reports hinggil sa hold-up incident na kinasasang­kutan ng tatlong lalaki, kabilang ang suspek.

Ayon sa biktimang si Allyson Pontillas, 27, pauwi na siya sa Barangay Sta. Monica, Novaliches nang sumulpot ang tatlong lalaki, dakong 8:15 ng gabi.

Aniya, pilit kinuha ng mga suspek ang kanyang motorbike kasabay ng panunutok ng baril.

Ini-report ni Pontillas ang insidente sa PS-4 personnel, na agad nagsagawa ng checkpoint sa SB Road sa Barangay Nagkaisang Nayon.

Ayon kay Supt. Rossel Cejas, hepe ng Quezon City Police-Station 4, habang nagsasagaw­a ng checkpoint ay namataan ng isa sa kanyang mga tauhan ang tatlong lalaking lulan sa dalawang motorsiklo, dakong 12:00 ng madaling araw.

Gayunman, sa halip na tumuloy sa checkpoint, lumiko ang mga lalaki at bumalik sa Katipunan Avenue.

Hinabol ng awtoridad ang mga suspeknaum­ano’ynamarilha­nggang sa magkaroon ng habulan.

Nakorner ng awtoridad ang isa sa tatlong lalaki ngunit sa halip na sumuko, pinaputuka­n nito ang mga umaaresto na gumanti at tumimbuwan­g ang suspek.

Nakatakas naman ang mga kasabwat ng suspek.

Narekober sa pinangyari­han ang tinangay na itim na Honda Wave motorcycle ng biktima at caliber .38.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines