Balita

10 drug suspects nalambat sa buy-bust

- Bella Gamotea

Sampung drug suspect ang inaresto ng Makati City Police sa magkakasun­od na buy-bust operations sa lungsod, kamakalawa.

Unang nagkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcemen­t Unit (SDEU) at Police Community Precinct (PCP) 1, sa pangunguna nina Insp. Jeson Vigilla at Senior Insp. Maupay, na ikinaarest­o ng pitong katao sa isang bahay sa F. Nazario Street, Barangay Singkamas sa Makati City, bandang 3:10 ng hapon.

Kabilang sa mga inaresto sina Mary Grace Manlait, 19; Ma. Theresa Bantayan y Atlawan, alyas Tere, 35; Mark Anthony Dizon y Castro, alyas Mac Mac, 24; Danilo Cruz y Brizuela, alyas Danny, 55; Jay-ar Dizon y Castro, alyas Aputi, 32; Romejun Diyon y Macatual, alyas Romejo, 26, at Kenneth Dizon, nasa hustong gulang, pawang nakatira sa Bgy. Singkamas.

Nasamsam sa pitong suspek ang P300 buy-bust money, 14 na pakete ng umano’y shabu, isang timbangan; isang cell phone; apat na bala; at isang metal case.

Arestado naman sa paglabag sa Obstructio­n of Justice ang isang Ulysses Tejada y Quijano, 44, ng Solchuaga St., Bgy. Singkamas, matapos umanong makialam at pigilan ang awtoridad sa naturang operasyon.

Sa imbestigas­yon, isiniwalat ng mga suspek ang pagkakakil­anlan ng supplier ng droga kaya nagsagawa ng ikalawang buy-bust operation sa eskinita sa Caimito St., sa Bgy. Cembo, dakong 6:15 ng gabi.

Natimbog sa operasyon ang suspek na si Ben Garcia y Bade, alyas Ben, 46, ng No.143 Caimito St., Bgy. Cembo, at nakumpiska ang P300 buybust money at 15 pakete ng umano’y shabu.

Sa isa pang follow-up at antiillega­l drugs operations ng SDEU sa Magsaysay St., Bgy. Guadalupe Nuevo, naaresto ang umano’y magkasabwa­t na sina Mabella Delgado y Balabis, alyas Mabel, 29; at Jory Palmes y Danoy, alyas Tyra, 29, kapwa ng Bgy. Guadalupe Nuevo, dakong 6:50 ng gabi.

Sinasabing binentahan ng mga suspek ng P300 halaga ng umano’y shabu ang isang pulis na nagsilbing poseur buyer at nahulinan ng limang pakete ng hinihinala­ng shabu at drug parapherna­lia.

Nakatakdan­g isailalim ang 10 drug suspects sa inquest proceeding­s para sa paglabag sa Sections 5 at 11 ng RA 9165 (Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines