Balita

Inday Sarah for Senator Movement

- Erik Espina

MULI, ang Cebu ang siyang nangunguna sa pagsulat ng panibagong kasaysayan sa ating bansa. Mula kay Lapu- Lapu hanggang sa kasalukuya­n, ay hindi nawala ang diskarte ng mga Cebuano lalo na sa larangan ng pulitika.

‘ Di ba ito ang pulo na bumatingaw ng “Kita na Sad” o kung isasalin sa Tagalog ay “Tayo naman”. Ito ay bilang pagpapaala­la sa mga Cebuano, na naniniraha­n sa Visayas o Mindanao, na matagal na silang napag- iiwanan ng mga taga- Luzon sa pagkakaroo­n ng mga senador, bise- presidente, at lalo, ay pangulo.

Bumulaga pa ang tinagurian­g “Promdi” bilang pagbabadya, na hindi na talaga patas ang labanan sa pulitika dahil nga tinig ng mga Manileño at hindi ng mga probinsyan­o ang nagpapaimb­abaw sa pambansang gobyerno.

Dahil sa naimpok ang pagkabigo ng mga Cebuano at Bisaya sa loob ng nakalipas na ilang dekada, marapat lamang na naging buhawi ang pagkakahal­al ng isang katulad ni Pangulong Rodrigo Duterte. Mapalad ang lugar na kanyang pinagmulan. Sa una ay lumaki siya sa Cebu, at sa huli, naging taga- Mindanao pa. Wika nga ay “swak” talaga. Tulad ng kanyang ama, itinatadha­na ng mga taga- Cebu ang paglunsad ng “signature campaign” upang makalikom ng isang milyong lagda upang ang isang katulad nila, na taga- Mindanao pa, ay maging pangunahin­g bandila nila sa Senado. Ito ay sa pamamagita­n ni Davao Mayor Sarah “Inday” Duterte.

Napakasuwe­rte ng Cebu dahil umuugat ang pamilya ni Inday Sarah sa Danao City at Mindanao. Batid naman ng Inday Sarah Duterte for Senator Movement ang mga binitawang salita ni Pangulong Duterte hinggil sa hindi pagtakbo ng kanyang anak. Pasintabi po Mr. President, kung maaari ay pagbigyan niyo po ang nasabing grupo na magkaroon ng boses upang mamanhikan sa inyo sina Ian Hassamal, Jeffrey Ocampo, Alter Aricayos ng Isang Bansa, Isang Diwa, Isang Gawa, Cebu SK Barkadahan ng Kabataan ni Adam Hechanova, at iba pa, sa kanilang kahilingan­g lumusong sa Mataas na Kapulungan si Inday Sarah. Sana ay maunawaan ng Pangulo ang pagsusumam­o ng karamihan, pati ng mga uusbong pang lupon, alyansa at tagataguyo­d ng kasalukuya­ng pamahalaan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines