Balita

Alan Alda, may Parkinson’s

-

IBINUNYAG ng award-winning actor na si Alan Alda nitong Martes na mayroon siyang Parkinson’s disease, at sinabing ayaw niyang mabunyag ang kanyang nervous system disorder “(in) a sad point of view.”

Inihayag ng 82 taong gulang na star ng TV series na M*A*S*H sa CBS This Morning na nalaman niya ang tungkol sa diagnosis, mahigit tatlong taon na ang nakalipas, ngunit hindi naging hadlang ang sakit para itigil niya ang pag-arte at iba pang trabaho.

“I’ve had a richer life than I’ve had up until now,” sabi ni Alda CBS This Morning.

Tanyag si Alan, isang six-time Emmy Award at Golden Globe Award winner, sa kanyang pagganap bilang si Hawkeye Pierce sa M* A* S* H, isang CBS comedydram­a, na ang setting ay sa kasagdagan ng Korean War.

Ilang beses din siyang nagsulat at nagdirihe ng mga episode ng naturang show, na umere mula 1972 hanggang 1983, at kalaunan at lumabas sa iba pang TV series, plays at mga pelikula. Noong 2004, naging nominado siya sa Academy Award for Best Supporting Actor para sa pelikulang The Aviator. Isiniwalat din niya sa CBS This Morning na sumailalim siya sa test para malaman kung may Parkinson’s siya makaraang makaramdam sita ng sintomas ng naturang sakit. Naapektuha­n nito ang kanyang paggalaw at madalas na dahilang hindi kontrolado­ng tremors.

Idinagdag pa ni Alda na ninais niyang isapubliko na ang karamdaman nang mapansin niyang nanigas ang kanyang hinalalaki sa isang TV appearance, at nais niyang ihayag sa publiko na nananatili­ng maganda ang tingin niya sa para sa kanyang kinabukasa­n.

“In the very beginning, to be immobilize­d by fear and think the worst thing has happened to you – it hasn’t happened to you,” sabi ni Alan. “You still have things you can do.”

Una rito, inihayag ng mang-aawit na si Neil Diamond na magreretir­o na siya sa pagsasagaw­a ng tour makaraaang madiagnose ng kaparehong sakit. Naging biktima rin ng nasabing sakit ang aktor na si Michael J. Fox at ang maalaman na boksingero­ng si Muhammad Ali gayundin ang mahigit 10 milyong tao sa buong mundo, ayon sa Parkinson’s Foundation. Pumanaw si Ali noong 2016, mahigit tatlong dekada mula nang una siyang ma-diagnose ng naturang sakit.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines