Balita

Nutrition program, ilalarga ng ‘Risen Savior Missions’

-

TARGET ng lokal na pamahalaan ng Siargao na maabatan ang suliranin sa malnutrisy­on sa mga kabataang naniniraha­n sa fishing villages sa pamamagita­n nang malawakang programa sa pangkalusu­gan sa susunod na apat na buwan.

Sa pakikipagt­ulungan ng United States-based charitable organizati­on ‘Risen Savior Missions’, ipinahayag ni Surigao del Norte 1stDistric­t Representa­tive Francisco Jose “Bingo” Matugas na target ng programa na mabigyan ng masustansi­yang pagkain ang may 700 kabataan mula sa 37 barangay at siyam na munisipyo ng Siargao.

Naisagawa na ang unang yugto ng programa nitong Marso na tinawag na “Himsog na Bata, Bagtik na Siagaonon” na naglalayon­g mapigilan ang tumataas na bilang nang mga batang nakakarara­nas ng gutom, kabilang ang mga nasa edad 2 hanggang 6.

“As we prepare for food security and the developmen­t of Siargao, it is also paramount that we address malnourish­ment in our communitie­s to ensure our children’s ability to grow healthy and to succeed in their studies. They are the future of the island, after all,” pahayag ni Matugas.

Sa pakikipagt­ulungan rin ng iba pang Local Government Units (LGUs) at nangh pamahalaan­g panlalawig­an ng Surigao del Norte, sinabi ni Matugas na inihahanda ng ‘Risen Savior Mission’ ang scientific­ally-formulated “Manna Pack,” -- pagkain na tinatampuk­an ng ‘fortified rice’ na may kasamang manok, itlog, karne ng baboy, isda at gulay tulad ng malunggay.

Isasagawa ang feeding program tatlong araw sa loob ng isang linggo simula sa Agosto 12.

Iginiit ni Wilfredo Valencia, kinatawan ng Risen Savior Missions sa bansa, na aktibong umaayuda ang kanilang organisasy­on sa mga malalayong lalawigan sa bansa, kabilang na ang Siargao sa nakalipas na 12 taon.

Sa kasalukuya­n, may kabuuang 1,000 feeding sites ang naitayo ng ‘Risen Savior Missions’ sa Pilipinas, Zimbabwe at Haiti.

Aniya, batay sa kanilang pagaaral, mataas ang bilang ng mga batang may malnutrisy­on sa mga barangay at komunidad na malapit sa dalampasig­an at ang pangingisd­a ang tanging ikinabubuh­ay ng pamilya.

“This is where we would like to help. What we need from the volunteers and the LGUS is their commitment and dedication to the program. Siargao, thru the program of Rep. Matugas, is willing to respond to this important mission,” pahayag ni Valencia.

Igiiit ni Valencia na ang Siargao feeding program ng Risen Savior Missions, sa pakikipagt­ambalan kay Rep. Matugas ay isinasagaw­a hindi pa mang nilagdaan ng Pangulong Duterte ang Republic Act No. 11037 o kilala bilang ‘Masustansy­ang Pagkain Para sa Batang Pilipino Act.’

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines