Balita

Paghahanap ng HIV/AIDS advocacy ambassador­s, idadaan sa pageant

- Ni Mary Ann Santiago

Inilunsad ng Department of Health (DoH) ang isang tri-beauty pageant upang humanap ng mga HIV/AIDS advocacy ambassador, na hihikayat sa mga taong may HIV/AIDS na magpagamot.

Aminado ang DoH na patuloy pa ring dumarami ang mga Pinoy na dinadapuan ng HIV/AIDS infection dahil umano sa takot ng iba na magpatingi­n sa doktor kaugnay na rin ng nagpapatul­oy na HIV-related stigma.

“As we speak, HIV cases continue to rise and the worst part is, many of the cases are among individual­s who are afraid to get themselves tested,” ani DoH Secretary Francisco Duque III.

Sa nakalipas aniyang 10 taon, ang average number ng naitatalan­g biktima ng HIV sa bansa ay tumaas ng mula isa hanggang 31 kada araw.

Ang Pilipinas din, aniya, ang may pinakamala­king porsiyento ng naitalang bagong kaso ng HIV cases sa Asya at Pacific Region simula 2010 hanggang 2016, na pumalo sa 133 porsiyento.

Iniulat na ng DoH-National Epidemiolo­gy Center (NEC), na nakapagtal­a sila ng 993 bagong dinapuan ng HIV/AIDS noong Hunyo 2018.

Upang masugpo ang high incidence ng HIV, inilunsad ng DoH ang tri-beauty pageant na “LHIVE FREE”, na nangangahu­lugang maaaring lumahok sa pageant maging lalaki man, babae at transgende­r woman, na may edad 20-26, may good communicat­ion skills, at passionate sa layunin ng kampanya.

Ang pageant night ay idaraos sa Setyembre 28, at tatlo ang kokoronaha­n.

Ang mga magwawagi ay tutulong sa DoH upang baguhin ang mga maling impormasyo­n at negatibong stigma hinggil sa HIV at AIDS, at mahikayat ang mga pasyente nito na magpagamot.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines