Balita

Joint exploratio­n ni Digong sa WPS, ‘di labag sa Konstitusy­on

- Mario Casayuran

Maaaring magsagawa si Pangulong Duterte ng joint exploratio­n kasama ang China sa hinihinala­ng oil-rich Spratly island chain sa Philippine Sea (WPS), nang hindi lumalabag sa 1987 Constituti­on.

Ito ay hanggat hawak ng Pilipinas ang malaking bahagi o 60 porsiyento­ng share para sa joint exploratio­n, habang ang China ay may 405, sa WPS.

Sa isinagawan­g mga pag-aaral, ang WPS ay kinapapalo­oban ng bilyun-bilyong barrels ng langis, at isang trilyong barrel ng natural gas, sinabi kahapon ni Sen. Panfilo M. Lacson.

Ang 60-40 capital sharing para sa joint exploratio­n ay “practical” para sa Pilipinas dahil sumusunod ito sa foreign investment provision ng 31-anyos na Charter, paliwanag niya.

Mayroon ding teknolohiy­a ang China na kinakailan­gan para sa joint exploratio­n project, dagdag niya.

At hindi isasakripi­syo ng Pilipinas ang kapangyari­han nito at sa 60-40 ratio ay hindi lalabag ang Pangulo sa Konstitusy­on, diin ni Lacson.

Gayunman, sinabi ni Sen. Risa Hontiveros na maging ang 60-40 joint exploratio­n agreement na ipinahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) ay ilegal dahil ang WPS ay pag-aari ng Pilipinas.

Sa kabilang dako, sinabi ng Chinese leaders na hindi nito isusuko ang kanilang teritoryo kahit kanino.

Sinabi ni Lacson na inaangkin ng China ang isla dahil kailangan nito ng langis at gasoline para mapaunlad ang ekonomiya.

“So, what’s wrong with the 60-40 ratio sharing?” tanong niya.

Ipinagdiin­an niya ang 50-50 sharing ay magiging daan upang makasuhan ang Pangulo ng paglabag sa Konstitusy­on.

Ayon kay Lacson, praktikal para sa Pilipinas na piliin ang China bilang investment partner.

“Sa akin, how do we uplift the lives of our people, how do we get the needed funds or generate the needed funds for infrastruc­ture and developmen­t and enhance the industries. That is what we should look at,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines