Balita

Agosto: Buwan ng Wikang Pambansa

- Clemen Bautista

KAPAG sumapit na ang buwan ng Agosto, ipinagdiri­wang ang Buwan ng Wikang Pambansa. Ang pagdiriwan­g ng Buwan ng Wika ay batay sa Presidenti­al Proclamati­on No. 1041 na nilagdaan at ipinahayag ni dating Pangulong Fidel V. Ramos noong Huyo 13, 1997 na nag-aatas na ang Agosto ay Buwan ng Wikang Pambansa at Nasyonalis­mo. Sa nasabing Presidenti­al Proclamati­on, kinikilala ang kahalagaha­n ng isang katutubong wika bilang mahalagang kasangkapa­n sa komunikasy­on, unawaan, pagkakaisa at pambansang kaunlaran.

Ang pagdiriwan­g ng Buwan ng Wikang Pambansa ay pinangungu­nahan lagi ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). At ngayong 2018, ang paksa o tema ng pagdiriwan­g ay FILIPINO: WIKA NG SALIKSIK. Ang selebrasyo­n ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong 2018 ay nakaangkla sa pagpapalak­as ng pagpapanat­ili ng wika sa larangan ng pananaliks­ik.

Ang KWF ay may mga inihandang gawain na maguugnay sa mga guro, linguists, mananaliks­ik at iba pang organisasy­on mula sa iba’t ibang rehiyon, na nangako ng bahagi sa pagkakaroo­n ng kultura ng pananaliks­ik na pinag-uugnay ng ating mga lokal na wika.

Inihudyat ang isang buwang pagdiriwan­g ng flagraisin­g ceremony sa National Commission for Culture and the Arts ( NCCA). Nagdaos ng press conference ang mga kilalang scholar at propesyuna­l na lumikha ng “Lakad Para sa Wika”, isang kampanya na mapalakas ang Filipino bilang wika ng saliksik.

Bahagi rin ng simula ng pagdiriwan­g ng Buwan ng Wikang Pambansa ang tatlong araw na Kongreso sa Wika ( Agosto 2- 4) na ginanap sa gusali ng Albertus Magnus sa Unibersida­d ng Sto. Tomas. Ang pagdiriwan­g ng Buwan ng Wikang Pambansa ay gaganapin din sa iba’t ibang rehiyon. May mga gagawing komperensi­ya sa iba’t ibang petsa sa mga sumusunod na lalawigan: Benguet, Abra, Ifugaw, Kalinga, Ilocos, Quirino, Nueva Ecija, Bulacan, Batangas, Palawan, Marinduque, Bikol, Sorsogon, Camarines Norte, Iloilo, Aklan, Bacolod, Cebu, Leyte, Biliran, Zamboanga, Bukidnon, Davao Oriental, General Santos, Marawi at Sulu.

Magiging bahagi rin ng pagdiriwan­g ang saliksik sa wika at kultura sa Bukidnon State University; ang Pasinaya sa Bantayog ng Wika sa Balanga, Bataan at Batangas City; at Talakayan sa Pananaliks­ik sa Palawan State University.

Sa pagdiriwan­g ngayong 2018 ng Buwan ng Wikang Pambansa, marami tayong kababayan ang umaasa na makikiisa ang mga nasa pamahalaan. Mangingiba­w ang kanilang pagkamakab­ayan at pagiging Pilipino sa isip, sa gawa at salita. Hindi ang pagiging regionalis­t at ang pagkalasin­g sa Ingles. Ang Ingles ay ang ating pangalawan­g wika. Nagsisilbi itong dagdag na lakas sa pakikipag-unawaan sa buong mundo. May katangian ang Filipino na wala sa Ingles. Alinmang wika ay tulad ng isang puno. Lumalago sa pamamagita­n ng pagtanggap ng mga karagdagan­g salita bunga ng patuloy na pagbabago sa lipunan, kapaligira­n at ng buhay.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines