Balita

IMBIYERNA!

SBP, binira ng PSC sa pagatras sa basketball sa Asiad

- Annie Abad

DISMAYADO si Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez sa naging desisyon ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na iatras koponan sa 18th Asian Games na gaganapin sa Agosto 18 hanggang Setyembre 2 sa Jakarta at Palembang sa Indonesia.

Sinabi ng PSC chief na walang konsultasy­on na ginawa ang SBP, bagkus sariling desisyon ang kanilang pinairal na isang direktang pambabalew­ala sa responsibi­lidad ng bansa bilang ‘pioneering member’ sa quadrennia­l meet.

Iginiit din ni Ramirez na isang sampal sa kakayahan ng Pinoy sa basketball ang pahayag na kakulangan sa paghahanda para maisabak sa Asiad. Matatandaa­ng nasuspinde ng FIBA (Internatio­nal Basketball Federation) ang 10 players ng Gilas Pilipinas matapos ang rambulan sa Australian Boomers sa Asia World qualifying nitong Hulyo 2 sa Philippine Arena.

Ayon kay Ramirez, siksik liglig at umaapaw ang talento ng Pinoy at ang kahandaan ng PBA na maipahiram ang mga players ay isang positibong aksyon para makabuo ng isang matikas na koponan.

“Noong araw, inaway-away natin yung dating mga opisyal sa Basketball associatio­n of the Philippine­s dahil nagpapadal­a ng mga team na hindi PBA players. At least kahit natalo yung team, hindi natin hiniya ang internatio­nal community dahil sumali tayo. Ngayon, andyan ang PBA tapos ayaw nating sumali,” sambit ni Ramirez.

“The Philippine­s is qualified to participat­e to the Asian Games 2018. It is not true that we don’t have outstandin­g basketball players. Philippine­s is a basketball country and the mass media and social media are critical of the situation,” aniya. “PBA can help the compositio­n of the team. PSC will support the team,” banggit pa ni Ramirez. “Lastly, it is the government, thru PSC are the one funding the Asian Games those who are qualified according to the Asian games Federation (OCA) rules and requiremen­ts,” dagdag pa ng PSC chief.

Taong 2006 nabigo rin ang Pilipinas na makalahok sa Asian Games matapos suspindihi­n ng FIBA ang bansa sanhi ng kaguluhan sa pagitan ng Basketball Associatio­n of the Philippine­s (BAP) at Philippine Olympic Committee (POC).

 ?? RIO DELUVIO ?? KAPIT! Hinila ni Carlo Young ng St. Benilde sa paa ni Jerrick Balanza ng Letran para mapigil ang pagtatangk­a nitong fast break sa mainit na tagpo ng kanilang laro sa NCAA Season 94 basketball tournament. Nagwagi ang Letran.
RIO DELUVIO KAPIT! Hinila ni Carlo Young ng St. Benilde sa paa ni Jerrick Balanza ng Letran para mapigil ang pagtatangk­a nitong fast break sa mainit na tagpo ng kanilang laro sa NCAA Season 94 basketball tournament. Nagwagi ang Letran.
 ??  ?? Ramirez
Ramirez

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines