Balita

Batang Fil-Am dinaig si Michael Phelps

-

CALIFORNIA ( AP) – Itinuturin­g ‘ greatest swimmer’ si America Michael Phelps.

Kaya’t nararapat lamang na isang ‘ Superman’ ang makabura – kahit bahagya- sa marka ng Olympic champion.

Hindi galing sa planetang Krypton tulad sa pelikulang pinasikat ng D.C Universe, bagkus isang 10- anyos na Filipino- American ang ‘ Superman’ na bumura sa matandang record ni Phelps.

Naitala ni Clark Kent Apuada ang 1:09;30 sa 100meter butterfly – halos isang segundo na mas mabilis sa record ni Phelp (1:10.48) noong 1995 na naitala sa Far West Internatio­nal Championsh­ip sa California.

Matapos magawa ni Phelps ang naturang marka, kinilala siyang pinakamahu­say na swimmer sa mundo tangan ang 28 Olympic medals.

“I love swimming because I have a lot of people supporting me and my coaches are always there for me and my parents are always there,” pahayag ni Apuada sa panayam ng CNN.

Napagwagih­an ni Apuada, mula sa Carmel-by-the-Sea, California,ang pitong events na nilahukan nitong Linggo kabilang ang 50 at 100-meter freestyles, 50 at 100- meter backstroke­s, 50-meter fly at 200-meter individual medley.

“The kid is unlike any other young man that I’ve ever coached,” sambit ni Dia Riana, coach ni Apuada.

“He’s always stood out. He’s just, he’s kind of a savant of sorts.”

Pareho ang edad ni Apuada nang magawa ni Phelps ang record sa naturan ding torneo kung kaya’t marami ang may hinuha na isang ganap na swimming star ang Fikl-An sa hinaharap.

 ??  ?? KENT: Pinoy superman.
KENT: Pinoy superman.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines