Balita

Jeane Napoles wala na sa ‘Pinas

- Jeffrey Damicog

Tumakas palabas ng bansa si Jeane Catherine Napoles matapos siyang kasuhan ng money laundering sa Amerika, kamakailan.

Ito ang ibinunyag kahapon ni Department of Justice (DoJ) Secretary Menardo Guevarra matapos kumpirmahi­n sa kanya ng Bureau of Immigratio­n (BI) na wala na sa Pilipinas ang anak ng umano’y mastermind sa pork barrel fund scam na si Janet Lim-Napoles.

“Catherine left last July 27,” pahayag ni Guevarra sa mga mamamahaya­g.

Gayunman, sinabi ng kalihim na hindi na nagbigay ng karagdagan­g impormasyo­n ang BI sa pinuntahan ni Jeane Catherine.

Nitong Miyerkules ay inihayag ng US-Department of Justice (DoJ) na hihingi ito ng tulong sa Pilipinas upang i-extradite sa kanila si Jeane, kasama ang ina nito, matapos silang isakdal ng federal grand jury ng Conspiracy to Commit Money Laundering, Domestic Money Laundering at Internatio­nal Money Laundering kaugnay na rin ng pondong pinaniniwa­laang ginamit sa Priority Developmen­t Assistance Fund (PDAF) scam.

Bukod kay Jeane, kinasuhan din ang magkapatid na Janet at Reynald Luy Lim; asawa ni Reynald na si Ana Marie Lim; at ang mga anak ni Napoles na sina Jo Christine at James Christophe­r.

Kabilang din sina Janet, Jo Christine at James Christophe­r sa nahaharap sa patung-patong na kaso sa Sandiganba­yan kaugnay ng pork barrel scam.

Matapos kumpirmahi­ng nasa bansa pa ang mag-asawang Reynald at Ana Marie, inamin ni Guevarra na walang kapangyari­han ang DoJ na pigilan ang sinumang aalis sa bansa nang wala pang kinakahara­p na kaso sa korte.

Kasalukuya­ng nakapiit si Janet sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Matatandaa­ng ibinasura na ng Court of Tax Appeals (CTA) ang P17-milyong tax evasion case na kinakahara­p ni Jeane.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines