Balita

Wendell miss na ang ‘Bubble Gang’

- Nora V. Calderon

ORIGINAL Kapuso star si Wendell Ramos bago siya lumipat ng kabilang network, pero after seven years, bumalik siya ‘where he belongs’ sabi nga. Una naming napanood si Wendell sa isang episode ng Magpakaila­nman nang bumalik siya sa Kapuso network at hindi pa rin nawawala ang husay niya.

Thankful si Wendell na sa paglipat niya ay binigyan siya agad ng bagong teleserye, ang heart-warming primetime series na Onanay.

“Maganda po ang role ko rito bilang si Lucas, a rich and careless man who used to be an alcohol and drug addict, pero later on I will play an important role sa buhay ni Onay, played by new actress Jo Berry,” kuwento ni Wendell.

“Masaya po ako na hindi ako nag-burn ng bridges nang lumipat ako sa kabilang network, at masaya sa pakiramdam na parang walang nabago sa pakikitung­o nila sa akin tulad din noong narito ako seven years ago. Nakakatuwa pa at honored ako dahil I will work with the Superstar Nora

Aunor at si Ms. Cherie Gil na kilalang-kilalang mahusay na actress-kontrabida.” Dati ay nasa longest running-gag show na

Bubble Gang si Wendell, gugustuhin ba niyang bumalik doon?

“Hindi ko po nakakalimu­tan ang Bubble Gang kahit noon pa, nami-miss ko ito. Naiintindi­han ko naman kung may mga bago nang kasama sa show, inirerespe­to ko po iyon. But I’m happy I’m back at muling makakatrab­aho ang mga artista rito, lalo na iyong mga bago ko pa lamang makakasama ngayon,” sabi ni Wendell.

Mapapanood na ang bagong primetime series ng GMA 7 na Onanay, directed by Ms.

Gina Alajar sa Lunes, August 6, pagkatapos ng Victor Magtanggol.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines