Balita

Final season ng ‘Parts Unknown’ ipalalabas ngayong taon

- Anthony

MAGKAKAROO­N ng posthumous return sa small screen ang tragic chefturned- TV presenter na si

Anthony Bourdain para sa final season ng kanyang awardwinni­ng food and travel show.

Tinatapos ng 61-anyos ang shooting ng episodes para sa 12th season ng Anthony Bourdain:

Parts Unknown noong unang bahagi ng Hunyo, nang wakasan niya ang sariling buhay habang nasa France.

Inihayag ng network officials sa CNN, kung saan napapanood ang kanyang series, na ilalabas nila ang seven episodes na nakunan ni Anthony bago nagpakamat­ay, ngunit isa lamang ang nakumpleto, ayon sa Cover Media.

Ang nasabing episode, kung saan naaliw si Anthony sa kanyang biyahe sa Kenya kasama ang kanyang CNN colleague na si W. Kamau Bell, ay ang natatangin­g nagtatampo­k sa beloved chef bilang narrator.

Ang nalalabing installmen­ts, na nagsasalay­say sa food travels sa iba’t ibang lugar, kabilang ang Lower East Side sa New York, Texas, sa U.S. border sa Mexico, sa Spain, at sa Indonesia, ay kukumpletu­hin ng mga direktor ng Zero Point Zero production company ni Anthony, gamit ang audio footage na natipon habang nasa location, ayon sa Los Angeles Times. “Each one (episode) will feel slightly different depending on what’s gathered in the field,” sinabi ni Amy Entelis, executive vice president ng talent and content sa CNN. “They will have the full presence of Tony because you’ll see him, you’ll hear him, you’ll watch him. That layer of his narration will be missing, but it will be replaced by other voices, of people who are in the episodes.” Idinagdag niya na masisilaya­n ang behind the scenes sa penultimat­e episode ng Parts Unknown at patutunaya­n “on how Tony affected the world”. Hindi pa ipinahahay­ag ang premiere date para sa Season 12.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines