Balita

Lahat ng EJK victims diretso sa langit—Digong

- Ni Argyll Cyrus B. Geducos

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na matatamo ng mga biktima ng umano’y extrajudic­ial killings (EJKs) sa kanyang termino ang kani-kanilang karapatang pantao sa kanilang pagkamatay, dahil hiniling niya umano sa Diyos na payagan ang mga itong makapasok sa pintuan ng langit.

Sa kanyang speech sa Bukidnon nitong Biyernes, mulingkinu­westiyon ni Duterte ang konsepto ng langit at impiyerno nang sabihin niyang didiretso sa langit ang mga biktima ng EJKs, habang sa impiyerno naman ang bagsak niya—sakaling totoo na may impiyerno nga.

“You enjoy your human rights there in heaven kasi God promised you that lahat ng extrajudic­ial killing victims will go to heaven. ‘Yan ang hiningi ko sa Diyos,” ani Duterte. “Kasi kaawa naman. T*** i****, magdodroga ka tapos sa impyerno ka.”

Ayon sa Pangulo, hiniling niya sa Diyos na payagang makapasok sa langit ang mga biktima ng EJK, habang sa impiyerno naman siya didiretso.

“Sabi ko, ‘God, pagbigyan mo na lang ‘yan. Ako, wala akong hingiin sa akin. Reserve the hottest place in hell for me. And may I burn till eternity.’ Kung may hell,” anang Presidente.

Pagkatapos, muling iginiit ni Duterte na hindi siya naniniwala sa konsepto ng langit at impiyerno, dahil hindi, aniya, gagawin ng Diyos na magdusa sa impiyerno ang kanyang mga nilikha.

“Hindi man ako maniwala na niyan. Why would—why would God create an oven for his creation?” sabi ni Duterte.

Una nang umani ng batikos si Duterte mula sa Simbahang Katoliko dahil sa kontrobers­iyal niyang komento na “God is stupid”. Sa kabila nito, ipinagpatu­loy ng Pangulo ang mga tirada niya laban sa Simbahan.

Kamakailan, humingi ng paumanhin si Pangulong Duterte sa Diyos sa pagtawag ditong “stupid” habang nakikipagp­ulong sa evangelist na si Bro. Eddie Villanueva sa Malacañang nitong Hulyo.

“If it’s the same God, I’m sorry, that’s how it is. Sorry, God. I said sorry God. If God is taken in a generic term by everybody listening then that’s well and good,” ani Duterte. “I only apologize to God, nobody else. If I wronged God, he would be happy to listen. Why? Because my God is all forgiving. Why? Because God created me to be good and not bad.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines