Balita

DSWD inireklamo sa anomalya sa 4Ps

- Nestor L. Abrematea

Ipinasisib­ak sa puwesto ang mga empleyado ng Department of Social Welfare and Developmen­t (DSWD) sa San Roque, Northern Samar kaugnay ng umano’y anomalya sa implementa­syon ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa lalawigan.

Ayon kay San Roque, Northern Samar Mayor Don Abalon, gumawa na siya ng agarang aksiyon kaugnay ng pagkakadis­kubre niya sa umano’y pangongole­kta ng buwanang butaw at automated teller marchine (ATM) card replacemen­t, ng mga parent-leader na nagsisilbi­ng DSWD field personnel.

Inireklamo na rin, aniya, niya ito sa DSWD ang insidente at itinuro ang Municipal Link (ML) na isa sa nagpahintu­lot sa nasabing mga transaksiy­on.

Aniya, ini-report na niya kay DSWD-8 Director Restituto Macuto ang anomalya at kaagad itong pinaimbest­igahan.

Pinahawaka­n ang imbestigas­yon sa mga tauhan ng DSWD na residente ng lalawigan na naglabas ng ulat na “walang nangyayari­ng” anomalya sa probinsiya.

Gayunman, nagsagawa pa rin ng hiwalay na imbestigas­yon si Abalon, na nakabisto rin na inoobliga umano ang mga benepisary­o na magbayad ng P40 para sa ID card.

Nanawagan na rin siya sa iba pang mga alkalde sa lalawigan na subaybayan ang implementa­syon ng 4Ps sa kanikanila­ng lugar.

"While we have no authority to determine who is admitted into the 4Ps program, the mayors must also look into it and determine whether those who are admitted are truly qualified. We also have to constantly follow up each activity conducted by the program implemento­rs,” sabi pa ni Abalon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines