Balita

Nat’l ID system, pipirmahan ngayon

- Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS

Nakatakdan­g pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Lune sang Philippine Identifica­tion System Act (PhilSys) na magpapabut­i sa pagkakaloo­b ng serbisyo ng gobyerno sa mamamayan, upang maiwasan na rin ang mga maaanomaly­ang transaksiy­on.

Lalagdaan ni Duterte ang panukala, na niratipika­han ng Kongreso noong Mayo ng taong ito.

Batay sa media advisory na ipinalabas ng media relations office ng Malacañang, ang paglagda sa PhilSys ay gagawin sa Malacañang dakong 3:30 ng hapon, bago ang ceremonial signing o pagpiprisi­nta ng Bangsamoro Organic Law (BOL).

Una nang tiniyak ni Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque na lalagdaan ng Presidente ang PhilSys dahil na rin sa matinding suporta ng mamamayan sa national ID system.

“This landmark bill is part of the legislativ­e priority agenda of the Duterte administra­tion to improve the delivery of government services; thus, once ratified, the President will sign this into law,” sinabi noon ni Roque.

“There was an overwhelmi­ng consensus for the need for the national ID system... And there’s already a budget allotted in the 2018 national budget for the national ID,” dagdag pa niya.

Sa kanyang pagbisita sa Kingdom of Saudi Arabia noong 2017, kinilala ng Pangulo ang kagustuhan ng mga overseas Filipino worker (OFW) na magkaroon ng national identifica­tion system ang Pilipinas, tulad sa Saudi Arabia.

Pagsasama-samahin ng panukalang Filipino Identifica­tion System ang bisa ng lahat ng ID na iniisyu ng pamahalaan, para sa mas mabilis at epektibong serbisyo, at malimitaha­n na rin ang red tape sa mga transaksiy­on sa pamahalaan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines