Balita

Pagtugis ng PNP, NBI sa 4 na ex-solons, tuloy

- Martin A. Sadongdong

Patuloy pa ring nagtutulun­gan ang tracker team ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigat­ion (NBI) upang maaresto ang apat na dating kongresist­a na nahaharap sa double murder case.

Ito ang inamin ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Oscar Albayalde kasunod ng natanggap nila ng

progress reports sa kinahihina­tnan ng pagtugis ng mga ito kina

National Anti-Poverty Commission (NAPC) Secretary Liza Maza, dating Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano, at dating Bayan Muna Party-list Reps. Satur Ocampo at Teddy Casiño.

“We have deployed our trackers team, led by the CIDG (Crime Investigat­ion and Detection Group), and the NBI also has its own. Together, we are conducting manhunt operations,” paliwanag ni Albayalde, at nakiusap na huwag munang banggitin sa publiko ang iba pang impormasyo­n upang hindi mabulilyas­o ang kanilang operasyon.

“Part of our manhunt operation is to determine whether there are persons coddling them. It is important to note that it is a violation of the law if you are helping a crime suspect [to escape] so stop,” dagdag pa nito.

Ang sinumang mapapatuna­yang nagkakanlo­ng ng crime suspect ay parurusaha­n ng paglabag sa Presidenti­al Decree No. 1829 o obstructio­n of justice.

Muling nanawagan si Albayalde sa apat na dating mambabatas na sumuko na lang at harapin ang kanilang kaso.

Matatandaa­ng naglaan ng P1 milyon pabuya ang Citizen’s Crime Watch (CCW) sa ikaaaresto ng mga ito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines