Balita

Mga ‘nakulimbat’ babawiin kay Napoles

- ALVIN KASIBAN Genalyn D. Kabiling

Determinad­o ang pamahalaan na mabawi ang multi-milyong piso na umano’y ninakaw ng sinasabing pork barrel fund scam mastermind na si Janet Lim-Napoles, at ng kanyang mga kasabwat.

Ito ang inilahad kahapon ni Chief Presidenti­al Legal Counsel Salvador Panelo, sinabing hindi nagmamaliw ang paninindig­an ng gobyerno na labanan ang kurapsiyon kasunod ng paghahabla kay Napoles at sa lima niyang kaanak, sa kasong money laundering sa Amerika.

“While Mrs. Napoles is currently detained behind bars, the Philippine Government will not stop until the last centavo is returned and all conspiring government officials and involved persons are incarcerat­ed,” paniniyak ni Panelo.

Matatandaa­ng isinakdal ng US federal bureau si Napoles at limang iba pa dahil sa umano’y sabwatan ng mga ito upang maipuslit sa Amerika ang $20 million pondo ng Pilipinas, sa ilegal na pamamaraan.

Naiulat na ginamit ang nasabing pondo upang makapamili ng ari-arian sa Amerika, kabilang na ang lupain at mga mamahaling sasakyan.

Nakikipagt­ulungan na, aniya, sa US government ang pamahalaan kaugnay ng kaso ni Napoles, at sa posibleng pagpapadal­a sa kanya sa Amerika upang harapin kanyang kaso.

Isa rin aniyang “welcome developmen­t” sa pagsusumik­ap ng Pilipinas ang paghahain ng kaso laban kay Napoles, upang mabawi ang yaman na umano’y ninakaw nito.

“Consistent with the President’s unwavering commitment to eradicate corruption in the country, the Philippine Government, through the Department of Justice, will not wander from this case and shall closely coordinate with U.S. authoritie­s in their efforts to bring justice to our country and its citizens, including the possibilit­y of extraditin­g Mrs. Napoles and her codefendan­ts to face indictment therein,” pahayag pa ni Panelo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines