Hindi lang BOL ang solusyon
Hindi lamang ang bagong nilagdaang Bangsamoro Organic Law (BOL) ang natatanging solusyon sa armed conflicts sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) dahil mahabang panahon ang aabutin bago maghilom ang matagal nang problema, sinabi ni Dr. Mansoor Limba, associate professor ng political science at international and Islamic studies sa Ateneo de Davao University (ADDU).
Nagbabala si Limba na maling-mali na ipagpalagay na ang BOL ang natatanging kasagutan sa ilang dekada nang pag-aaklas ng mga Moro sa rehiyon.
“It is never to be the panacea to the problem and those who claim the BOL, or BBL before, is the panacea is fatally wrong. A long-term problem would also take a long time to address the different dimensions of the problems,” aniya.
Ipinaliwanag ni Limba, research fellow sa Al-Qalam Institute for Islamic Identities and Dialogue sa Southeast Asia, na ang solusyon sa violent extremism ay nakasalalay kung paano tutugunan ng bagong Bangsamoro government, lilikhain matapos ang ratipikasyon nito sa isang plebisito, ang “drivers or enablers,” mga pahiwatig ng suliranin sa lipunan gaya ng mahinang pamamahala, korapsiyon, social disenfranchisement, at historical injustices.
Kung matutugunan ang mga problema sa lipunan, aniya, “the possibility of incidents of car bombings and suicide bombings would be less if not totally eradicated” ngunit magiging mataas din ang posibilidad sakaling mabigo ang pamahalaan na tugunan ang mga ugat ng violent extremism.
Ngayong araw, pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang seremonya para markahan ang pagpasa ng BOL.
Sinabi ni Presidential Peace Adviser Jesus G. Dureza na ito ay hamon sa bansa “to work hard to achieve the Bangsamoro Organic Law’s vision to bring peace and development and rectify past injustices to be able to work together in the days ahead.”
Kasabay nito nagkasundo ang Central Committee of the Moro Islamic Liberation Front (MILF) na opisyal na ideklara ang pagtanggap sa BOL.
Sinabi ni MILF Chair Al Haj Murad Ebrahim na dahil nagpahayag ang mga kinatawan ng lahat ng grupo ng MILF ng kanilang pagtanggap sa batas sa Bangsamoro Consultative Assembly noong Hulyo 29 sa Camp Darapanan, ang Central Committee “held a special meeting on August 1, 2018 and agreed to officially declare its acceptance of the BOL as ratified by both Houses of Congress and signed by President Rodrigo Roa Duterte.”
Inilarawan ni Ghazali Jaafar, chair ng Bangsamoro Transition Commission (BTC), ang okasyon ngayong araw na simula ng “a better tomorrow” sa Bangsamoro homeland.
Magdadaos naman ang Organization of the Islamic Conference (OIC) ng workshops at seminars bilang suporta sa BOL.
Sinabi ni Moro National Liberation Front (MNLF) Chair Yusop Jikiri na si Saidu Mohammed Dodo, ng Department of Political Affairs ng OIC ang magsasagawa ng seminar workshop, at iimbitahan ang mga pangunahing partido sa peace process, ang government peace panel (GPH), MILF at MNLF.