Balita

2 dedo sa constructi­on site

- Mary Ann Santiago

Dalawang constructi­on worker ang patay habang dalawa pang kasamahan ng mga ito ang nasugatan nang aksidenten­g mahulog mula sa ikaapat na palapag ng ginagawa nilang gusali sa Binondo, Maynila, nitong Sabado ng tanghali.

Kinilala ni Manila Police District ( MPD) Director Chief Supt. Rolando Anduyan ang mga nasawi na sina Eduardo Bernas, 60, tubong Isabela; at Rey Pajares, 41, ng Rodriguez, Rizal, kapwa constructi­on worker ng Policome Constructi­on Developmen­t Corporatio­n.

Samantala, inoobserba­han naman sa Jose Reyes Memorial Medical Center ( JRMMC), ang mga kasamahan nilang sina Efren Bantoto, 26; at Francis Bejo, 24, tubong Camarines Sur.

Sa ulat ni SPO2 Joseph Kabigting, ng MPD-Crimes Against Persons Investigat­ion Section (CAPIS), nabatid na nangyari ang aksidente dakong 11:40 ng umaga sa ikaapat na palapag ng ginagawa nilang Sun Joy Tower sa Lavesarez Street, Binondo.

Ayon sa iba pang kasamahan ng mga biktima, nagkakarga sila ng mga pinatuyong semento sa ginawa nilang improvised bangka na iniaahon nila at ikinakarga sa ginawa nilang platform nang bigla na lang itong bumagsak sakay ang apat na biktima, dahil sa pagiging overloaded nito.

Dead on the spot si Pajares, habang naisugod pa sa pagamutan ngunit binawian din ng buhay si Bernas, dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan.

Nabatid na walang full safety harness ang mga biktima nang mangyari ang insidente.

Nag-iimbestiga na ang pulisya para may mapanagot sa nangyari.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines