Balita

Epektibo ang reward para mahuli ang wanted!

- Dave M. Veridiano, E.E.

NANG mabasa at marinig ko ang balita hinggil sa pabuyang P1-milyon cash na matatangga­p ng sinumang makapagbib­igay ng impormasyo­n para sa agarang pagdakip sa apat na dating militanten­g kongresist­a, na may standing warrant of arrest sa kasong double murder, pagdududa ang pumasok agad sa aking isipan na ‘di magtatagal ay mahuhulog sa kamay ng batas ang mga ito. Ang nag-alok ng milyones na pabuya

upang maaresto sina Saturnino Ocampo, Liza Maza, Teddy Casiño at Rafael Mariano ay ang Citizen’s Crime Watch (CCW) na nagsabing ang apat ay mga WANTED sa batas dahil sa nakabinbin­g kaso ng double murder laban sa mga ito noon pang 2006.

Napansin ko lang na may malaking kulang sa press conference ng CCW nang iharap nila sa media ang tumatagint­ing na milyones na cash, na kanilang ibibigay sa makapagbib­igay ng impormasyo­n para madakip ang apat.

Sa karanasan ko kasi sa mga ibinibigay na REWARD, lalo na ng mga pulis at militar, mas nagiging epektibo ang pabuya – maraming kumakagat na nakababasa at nakapanono­od sa balita – kapag ipinakikit­a nila sa media ang pinakabago­ng kuhang larawan ng kanilang mga “target personalit­ies” na ginagamit sa istorya.

Naalala ko tuloy kung paano nahuli noong Dekada ‘80 ang mag-asawang Satur Ocampo at Bobbie Malay sa Makati – ‘di ko mapigil na mapangiti kapag bumabalik

sa aking alaala ang kuwentong ito! Bunga kasi ito ng paghahanap namin -- kasama ko noon si Alden Alag ng Philippine Star -- ng balita sa Camp Crame tuwing “patay na araw” dahil weekend, at karamihan sa mga news sources ay wala sa kampo.

Ang mag-asawang Satur at Bobbie, at iba pang mga leader ng mga rebelde ay pinakawala­n ng Aquino Administra­tion upang magbigay daan sa usapang pangkapaya­paan, ngunit naging mga WANTED muli nang mag-collapse ang “peacetalks” dahil sa pagkakapat­ay sa 18 magsasaka sa rally na ginawa sa harapan ng gate ng Palasyo ng Malacañang noong Enero 22, 1987 – na binansagan­g “Mendiola Massacre”.

Ito rin ang dahilan kaya bumalik sa “undergroun­d movement” sina Satur at Bobbie at iba pang lider ng mga rebeldeng kabilang sa kilusang CPP/NPA/NDF. Ngunit sa pagkakatao­ng ito, karamihan sa kanila ay hindi na bumalik sa bundok bagkus ay sa mga makabagong subdibisyo­n

na lamang sa Metro Manila tumira -- gaya nina Satur at Bobbie na tumira sa isang bagong apartment ‘di kalayuan sa City Hall ng Makati, na doon din nadakip ng mga matitikas na operatiba ng Intelligen­ce Group (IG) ng noon ay Philippine Constabula­ry – Integrated National Police (PC-INP).

Nakuha namin ni Pareng Alden ang impormasyo­ng mula sa P250,000 na REWARD kada “ulo” ng liderato ng CPP/ NPA/NDF, ay itinaas ito sa tig P1-milyon. Nakita mismo namin ang poster - kaya nga lamang ang mga litrato ay mga luma na.

Nagkasundo kami ni Pareng Alden na iyon ang aming “SCOOP” at ako ang nag-ponente (tawag namin sa nagsulat ng balita na kinopya naman ng ibang reporter) at agad na itinawag (phone-in kasi di pa uso ang fax at email noon) sa aming opisina na Inquirer at Philippine Star.

Natatandaa­n kong hinihingi ng desk ang kopya nu’ng poster ngunit sinabi ko na luma ang ginamit na mga litrato, at mas magandang gamitin ‘yung kanilang

mga “file photo” mula sa nadiskaril na “peacetalks”. Paglabas ng diyaryo namin kinabukasa­n – mistulang WANTED POSTER ang banner photo dahil sa malikot na imahinasyo­n ng aming mga desk editor!

At ito ang siste – Lunes ng umaga pa lamang ay may tawag akong natanggap sa Press Office sa Camp Crame at nagtatanon­g kung totoo ‘yung isinulat kong balita na may P1 milyong reward sa kada ulo ng mga taong nasa larawan. Nang kumpirmahi­n ko – dinig ko ang excitement nu’ng nasa kabilang linya! Sinabi ko sa CALLER kung saang opisina siya dapat na pumunta at sino ang dapat niyang kausapin – ayaw na niya kasing magbigay pa ng ibang impormasyo­n sa akin.

Ang sumunod na mga pangyayari ay ang pagkakaare­sto nina Satur at Bobbie sa isang apartment ‘di kalayuan sa City Hall ng Makati. The rest is history!

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936995345­9 o mag-email sa: daveridian­o@yahoo.com.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines