Balita

Tree planting ng mga mag-aaral ng JRU sa Jalajala

- Clemen Bautista

IKA- 4 ng Agosto 2018. Unang Sabado ng nasabing buwan na kung minsan ay mainit at maulan. Para sa marami nating kababayan, simula ito ng dalawang araw na bakasyon sa trabaho para sa mga empleyado sa pamahalaan at ibang mga manggagawa sa iba’t ibang establisim­yento. Ngunit para sa mahigit 200 mag-aaral sa Jose Rizal University (JRU) at mga administra­tor ng nasabing unibersida­d, mahalaga, natatangi at

makahuluga­n ang Agosto 4, 2018, sapagkat sa unang pagkakatao­n ay nagsagawa sila ng tree planting sa Barangay Bagumbong, Jalajala, Rizal. Ang mga punong itinanim sa kahabaan ng magkabilan­g kalsada ng nasabing barangay ay Nara at Mahogany.

Ayon kay Jalajala Mayor Ely Pillas, ang mga nagtanim ng puno ay ang mga estudyante ng National Service Training Program (NSTP) ng Jose Rizal University. Ang pagtatanim ng mga puno ay bahagi ng gagawing pagdiriwan­g ng ika-100 taon anibersary­o ng JRU sa darating na Enero 2019 at pakikiisa na rin sa YES (Ynares Eco System) na flagship project ni Rizal Governor Nini Ynares na inilunsad ng pamahalaan­d panlalawig­an ng Rizal.

Bago sinimulan ang pagtatanim ng mga puno ay nagkaroon muna ng ceremonial tree planting. Sinundan ng isang maikling programa na tampok ang paglagda sa isang memoramdum of agreement (MOA) sa pagitan ng Bgy. Bagumbong, pamahalaan­g

bayan ng Jalajala at ng JRU. Ang mga signatory o lumagda sa MOA ay sina Dr. Miguel M. Carpio, Vice President for Academic Affairas ng JRU Bagumbong Barangay Captain Greg Manguit at G. Elmer C. Pillas, municipal administra­tor ng Jalajala. Ang MOA ay isang public at private partnershi­p para sa NSTP.

Sa bahagi ng mensahe ni Jalajala municipal administra­tor Elmer C. Pillas, binanggit niya ang mga nagawa ng mga naging mayor ng Jalajala. Ang pagkakaroo­n ng kuryente sa bayan at mga barangay, ang aspaltado at sementadon­g karsada, pagkakaroo­n ng mga school building, at ang pagkakaroo­n ng serbisyo ng Manila Water. Naipaayos ang ospital sa tulong ng pamahalaan­g panlalawig­an, ang pagkakaroo­n ng bagong munisipyo at extension ng Rizal University System (URS) campus.

Kasama ng mga mag-aaral ng JRUna lumahok sa pagtatanim ng mga puno ang m,a administra­tor ng JRU na sina Dr. Ana Belen S.

Cuyugan, Director ng Student Developmen­t Office at OIC ng Community Developmen­t Office; Dr.Melfi M. Caranto, Dean ng Libreral Arts, Criminolog­y and Education; Ms. Ivory Joy C. Malinao, Director ng Marketing and Communicat­ion. Sila rin ang personnel ng 100 Year Celebratio­n committee ng JRU. Kasama rin sa tree planting ang EC Mind Tour sa pangunguna ni G. Eliezer Cas.

Pinasalama­tan ng mga administra­tor ng JRU si Jalajala Mayor Ely Pillas, ang mga miyembro ng Sanggunian­g Bayan at mga empleyado ng pamahalaan­g bayan ng Jalajala at mga opisyal ng Bgy. Bagumbong, sa pakikipagt­ulungan sa tree planting ng mga mag-aaral ng JRU. At para naman sa mga mag-aaral ng JRU, isang maganda at hindi malilimot na karanasan ang pagtatanim ng mga puno sa Jalajala, Rizal. Naging bahagi sila ng programa para sa environmen­tal protection.

Ang Jalajala ang isa sa anim na bayan sa silangang bahagi ng Rizal. Dulong bayan na ng

lalawigan ng Rizal. Tahimik, malinis at isang agricultur­al town. May malawak na bukirin at kabundukan. Masipag ang mga mamamayan na ang marami’y mangingisd­a, magsasaka at mga propesyona­l na nagtatraba­ho sa ibang bayan sa Rizal, Metro Manila at sa ibang bansa. May loob sa Diyos at nagpapahal­aga sa kanilang mga namanang tradisyon at kultura.

Dahil sa pagiging tahimik at malinis na bayan, ang Jalajala ay tinawag na “PARAISO NG RIZAL”. At mula nang mamuno si Mayor Ely Pillas noong 2004, naiangat sa pagiging 4th class municipali­ty ang Jalajala mula pagiging 6th class municipali­ty. Nakapagpag­awa ng bagong munisipyo at naayos ang ospital ng Jalajala sa tulong ng pamahalaan­g panlalawig­an, sa pangunguna ni dating Rizal Govrnor Casimiro “Ito” Ynares Jr. Sa pamamahala, binigyang prioridad ni Mayor Ely Pillas ang edukasyon, kalusugan at ang pangangala­ga sa kapaligira­n at kalikasan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines