Balita

Sapin-sapin vendor na Math wizard, viral

- Ni DIANARA T. ALEGRE

TRENDING G ngayon sa social media ang isang kakanin vendor sa Bicol, na nagpakitan­g gilas sa pagsagot sa Math problems ng mga estudyante­ng pinagbeben­tahan niya ng sapinsapin.

Tampok sa viral video na ipinost ng estudyante­ng si

Erika Jean Moyo Manzanilla ang sapin-sapin vendor na si Norwin del Nosario.

Makikita sa video na sinasaguta­n at ipinaliliw­anag ni Norwin sa mga estudyante kung paano masosolusy­on ang Math problem na nakasulat sa pisara at aakalain mong isa siyang Math teacher.

Ayon sa media reports, anim na taon nang nagtitinda ng kakanin si Norwin, 30, na tubong Ligao City, Albay. Nakapagtap­os si Norwin ng Bachelor of Arts in Economics sa Li Ligao Community Coll College at pasado na rin siya sa Licensure Exam for Teachers pero ayaw niyang magturo.

A n g dahilan? Nais niyang tutukan ng pansin at alagaan ang kanyang magulang.

Ayon kay Norwin, sa isang araw ay kumikita siya ng R 300 sa pagtitinda ng sapin- sapin kung matumal ang bentahan at umaabot naman ng R1,500 kung mabenta.

Minamahal na rin ng mga estudyante si Norwin dahil bukod sa kanyang masarap na kakanin at tinuturuan niya rin ang mga ito sa mga leksiyon na nahihirapa­n sila.

Aniya pa, hindi siya susuko sa pagtitinda, gaano man ito kahirap, para makatulong sa kanyang pamilya.

Lodi!

 ??  ?? Norwin
Norwin
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines