Balita

Single mom, waging Miss Global Philippine­s 2018

- Ni ROBERT R. REQUINTINA

IT is a lot better the second time around.

Wagi ang 22-anyos na single mom sa Miss Global Philippine­s 2018 pageant na ginanap sa Parañaque City, nitong Sabado ng gabi.

Tinalo ni Mary Eileen Palencia Gonzales,

tubong Cavite, at isang Star Magic artist ng ABS CBN, ang 18 iba pang kandidata sa ikalimang edisyon ng timpalak, na ang adbokasiya ay women empowermen­t, tourism at pagtanggap sa mga kandidatan­g single, at mga hindi kasal na ina.

Ito ang pangalawan­g pagkakatao­n na sumali si Gonzales sa Miss Global Philippine­s beauty contest. Noong 2015, siya ang kinilalang secondrunn­er ni Mary Candice Ramos.

Si Gonzales, na may isang baby boy, ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Global 2018 internatio­nal contest ngayong taon.

Wagi naman bilang first runner- up si Cheska Viñas,

ng Marilao, Bulacan; Nicole Osuna Dichoso

ng Olongapo City bilang 2nd runner-up; Charlene Duran ng Calamba City, Laguna bilang 3rd runnerup; at si Alexandra Moraga ng Meycauayan City, Bulacan naman ang 4th runner-up.

Ang mga nakasungki­t naman ng special awards ay sina Sunshine Bantillo

para sa Best in Talent; Nicole Dichoso

para sa Best in Cultural Wear at Best In Swimwear; at si Eileen para sa Best In Evening Gown.

Si Eileen din ang tinagurian­g Darling of the Press, at siya ay isang mapagmahal na ina sa kanyang isang taong gulang na anak. Ang ama ng kanyang anak ay ang dating Pinoy Big Brother ( PBB) housemate at 4th placer na si Johan Santos.

Hindi kasal sina Johan at Eileen ngunit pinagtutuu­nan nila ng pansin ang kanilang anak.

Noong Abril, sinabi ni Johan sa ABS-CBN na hands-on siya kay Baby Zohan. “First two months halos ako ang nag-alaga kay Z. Wala pa kaming yaya nu’n. Ako ang nagpapalit ng lampin, halos lahat. Eh, ang hirap ding maghanap ng yaya.”

Nang tanungin kung klaseng ama siya, ani Johan: “’Yung tama lang siguro. Hindi disciplina­rian, pero hindi rin naman masyadong spoiler. Basta, hahayaan ko lang siya na gawin ‘yung gusto niya. Ganun din kasi ‘yung pagpapalak­i ng parents ko sa akin, eh. Hindi sila mahigpit, lenient lang din.”

Dagdag pa niya: “Ang focus ko ngayon ay maibigay kung anong gusto niya. Mapalaki siya nang maayos, pagtutulun­gan naman namin yon ni Eileen,” sabi naman ni Johan.

Nang malipat naman ang usapan sa planong pagpapakas­al nila ng girlfriend na si Eileen, sinabi ni Johan: “Hindi naman puwedeng biglaan ‘yang ganyan. Mas maganda pinaplano.”

 ??  ?? Mary Eileen
Mary Eileen

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines