Balita

Denise eeksena sa ‘Sana Dalawa ang Puso’

- Reggee Bonoan

PALAISIPAN sa mga sumusubayb­ay sa seryeng Sana Dalawa

Ang Puso kung ano ang papel ni Irma Adlawan ( Sandra

Tan) sa buhay nina

Lisa LaureanoTa­bayoyong ( Jodi Sta. Maria) dahil masyado siyang malapit sa asawa ni Leo Tabayoyong ( Robin Padilla).

Palihim kasing nagtitingi­nan si Irma at ang tatay ni Lisa na si Juancho Laureano ( Christophe­r de Leon) na hindi mo mawari kung magkakilal­a sila at kung may nakaraan.

Pero nakilala na ni Lisa ang nakaraan ni Sandra, na nakulong dahil napatay nito ang tatay ni Denise Laurel, bilang si Primera.

Ikinuwento ni Sandra na kaya niya napatay ang tatay ni Primera ay dahil sa pagtatangg­ol sa sarili at kaya galit ang huli sa una at tinawag itong murderer nang mag-abot sila sa restaurant.

May gusto si Primera kay Martin ( Richard Yap) at talagang nagpaparam­dam na pero hindi naman siya gusto nito, dahil si Mona (Jodi) pa rin ang itinitibok ng puso ng binata. Magkasama sa isang out of town assignment sina Mona at Leo at nagpanggap na magkarelas­yon para hindi sila pagdudahan ni Mr. Supapi ( Leo Martinez). Samantalan­g sina Martin at Lisa naman ay okay na ulit at nagkakabir­uan na bagay na nakita naman ng kapatid ni Leo na si Tinay ( Miles Ocampo) na hindi boto sa asawa ng kuya niya kaya naghinala na baka niloloko nito ang kuya niya.

Anyway, pagselosan kaya ni Leo si Martin sa balita ni Tinay, na close na ang magex? At si Lisa naman kaya ay pagselosan si Mona, na narinig niyang tinawag na ‘ tart’ ang asawa niya.

Maraming kuwentong aabangan sa Sana Dalawa Ang Puso: ang lihim ni Sandra, paano mabubuking ang mga kakuntsaba ni Mr. Supapi, at anong gulo ang gagawin ni Primera kina Martin, Mona at Lisa.

Napapanood ang Sana Dalawa Ang Puso sa ABS-CBN bago mag- It’s Showtime.

 ??  ?? Denise
Denise

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines