Nietes, may training camp sa US
TUMULAK patungong Amerika si three- time world champion Donnie Nietes para simulan ang training camp sa nalalapit na laban kontra sa kababayang si Aston Palicte para sa bakanteng World Boxing Organization ( WBO) super-flyweight title.
Kasama ni Nietes ang trainer na si Edmund Villamor para sa kanilang preparasyon sa Wild Card gym sa Hollywood, California.
Inaasahang sasamahan sila ni lead trainer Edito Villamor dalawang lingo bago ang nakatakdang laban sa Setyembre 8. Bahagi ng main event ang laban ni Nietes sa ‘Superfly 3’ series na tatampukan din ng duwelo sa pagitan nina Juan Francisco Estrada at Felipe Orucata sa The Forum sa Inglewood, California.
“Maganda ang takbo ng training niya and preparado talaga siya as always,” pahayag ni Villamor, sa panayam ng media sa Cebu City.
Orihinal na nakatakda ang laban ni Nietes sa Cebu City sa Agosto 18.
Sa kabila ng pagkaantala, kumpiyansa si Edito sa kahandaan ni Nietes, naging kampeon din sa minimumweight, junior flyweight, at flyweight, bago umangat ng dibisyon sa superflyweight.
“Walang problema ( sa postponement),” aniya “Mas maganda rin kay Donnie at maka- adjust pa siya lalo ng husto.
“Tamang- tama rin siya sa 115 lbs.”
Napanatili ni Nietes ( 411-4, 23 KOs) ang IBF flyweight crown nitong Pebrero matapos ang seventh-round TKO kontra Juan Carlos Reveo sa ‘Superfly Series’ 2.