Balita

NCAA POW na si JP Maguliano

- Marivic Awitan

DESPERADO na makamit ang unang panalo, binalasa ng husto ni Emilio Aguinaldo College head coach Ariel Sison ang kanilang bench para makahanap ng magpapasik­lab sa kanilang laro.

Hindi naman nabigo si Sison at sa katunayan, nakatuklas siya ‘ ginto’ sa katauhan ni JP Maguliano.

Mula sa pagiging benchwarme­r, nagpamalas ng kahusayan si Maguliano nang pangunahan ang Generals sa isang upset kontra San Sebastian College Stags, 79-77, para sa una nilang panalo sa NCAA Season 94.

Tumapos ang bruiser forward mula Isabela na may career best 30 puntos at 17 rebounds upang pamunuan ang panalo at mahirang ding Chooks-to-Go NCAA Press Corps Player of the Week.

“Benching him in our last game, he delivered today. Good for the team na hindi lang kami nagrerely sa first group,” ani Sison.

Si Maguliano ay isang walkin tryout mula Adamson na nakipagsap­alaran sa EAC.

“Nawawalan na ako ng pag-asa kasi mag-third year na po ako sa Adamson noon. Parang wala ng patutunguh­an,” wika ng 19- anyos na si Maguliano “Sabi ko, magtryout ako sa EAC. Pag pinalad, magpu-focus na ako dito,” aniya.

Umaasa si Maguliano na maipagpapa­tuloy ang maganda niyang laro para sa koponan.

“Sana po talaga magtuloy-tuloy na ito,” ani Maguliano na tinalo para sa lingguhang citation sina reigning MVP CJ Perez ng Lyceum, Letran veteran Bong Quinto, at sina San Beda standouts Robert Bolick at JV Mocon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines